CHAPTER 34: Ilang minuto na nilang binabagtas ang daan pablik ng Dark Hotel pero wala pa ring umiimik sa kanila. Nakatanaw lang sa labas ng bintana si Owen na ngayon ay nakaupo sa tabi ng driver. Habang si Shaika naman na nagmamaneho ay nasa kalsada lang ang tingin. Malapit nang maghating-gabi at kakaunti na lang ang sasakyan sa kalsada, kaya kahit paano ay walang rason ang dalaga na magmabilis siya ng husto. Isa pa, hindi niya iyon ikatutuwang gawin sa ganitong sitwasyon. Isang bagay lang naman ang balak gawin ni Shaika kaya gusto niyang bumalik sa Dark Hotel: ang personal na kausapin si Legal at pagsabihan sa mga naiisip nitong pakulo. Hindi niya tiyak kung tama ba ang pagkakaintindi niya sa mga sinabi ni Owen kanina na gumawa ito ng dahilan para siya ang maging susi sa kaligtasan ni T

