Special Chapter 5 part 2 11. Bawal kumain ng isda o seafood ang buntis. "Wow Mama! Mukhang masarap iyang sinigang na salmon ah." sabi ko habang sinisilip ko ang niluluto niya. "Bawal ka diyan hija. Seafood is not safe for preggies," para naman akong nabagsakan ng langit sa narinig ko. Laway laway ako sa salmon tapos sasabihing bawal sa akin? Bakit parang ang daming bawal na sinasabi nila? "Bakit naman ma?" tanong ko. "May mercury ang mga seafoods which is very bad for the baby," sagot ni Mama Jessa. Kinuha ko ang bag ko na nasa dinning table at kinuha ang isang handbook. "Ma sabi dito sa handbook na Preggy 101, that the salmon is rich in omega-3 fatty acids and has a low mercury content," nakangiti ko itong pinakita sa kanya at siya naman ay medyo nanahimik. "So, Mama can I have s
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


