Kabanata XXV Erica's POV Ilang araw na akong hindi nakakapasok sa eskwela simula ng mangyari iyon ay natakot na akong lumabas ng bahay. Hindi na din nawawala ng tauhan si Jed dito sa bahay. Talagang pinababantayan niya ako. Sina Belle at Arvian naman ay panay ang tawag. Tinatanong kun bakit hindi ako nagpapapasok, kung anu-ano na nga lang ang mga sinasabi kong palusot. Ewan ko na lag kung naniniwala pa ba sila sa akin. Si Angelo naman alam ang sitwasyon, syempre mafia eh. "Erica, sumama ka sa akin" sabi ni Jed. Nagtaka naman ako. "Ha? saan?" tanong ko. "Sa opisina. Ayokong iwan ka dito sa bahay. Mahirap na." dahil ayoko ring iwanan eh di sumama na ako. Papunta na kami ngayon sa Difo. May mga nakasunod sa aming mga tauhan ni Jed. Masyado siyang naghigpit ngayon. Even our car is bullet

