Kabanata 12: Bisita Part 2

229 Words
LABIS na napapaidtad si Renz ng sunod sunod na malalakas na katok sa pinto ang naririnig niya sa labas ng kaniyang silid. Halos mawalan siya ng hininga dulot ng matinding kaba at takot na nadarama niya. Hanggang ngayon ramdam na ramdam pa din ni Renz ang panginginig ng kaniyang katawan dahil sa takot sa kung anuman ang maaring gagawin ng kaniyang ama sa kaniya. Patuloy na naririnig ni Renz ang malalakas na katok sa labas, halos masira na ang pinto dahil sa pwersang nanggagaling sa iisang taong nag-aasal demonyo, na talagang labis labis na ikinababahala niya sapagkat bawat katok ng kaniyang papa doon ay ramdam niya ang bigat at galit na lumukob dito. At kasabay ng mabibigat na katok nito ay isang mabagsik at baritonong boses ang narinig ni Renz sa labas ng kaniyang silid na talaga namang ikinanginig lalo ng kaniyang kalamnan. “Putang-ina, Laurence! buksan mo yung pinto!!” malutong na mura ng kaniyang ama na nagpasidhi lalo sa takot na nararamdaman niya. Aligaga si Renz habang nakataklubong ng kumot at nakahiga sa kaniyang kama, hindi niya alam kung ano ang gagawin, nagdadalawang-isip ang dalagitang binata kung bubuksan ba niya ang pinto o mananatili siya sa kaniyang kinahihigaan. “Wag mong sagadin ang pasensya ko, Laurence!...wag na wag mong sagadin! buksan mo ang pinto, tang-ina!!” malutong na mura muli ng kaniyang ama. NOTE: STILL UNDER EDITING
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD