Trinity Gonzalez's Point of View: Natapos na ang kanta, lumingon ako kay pangit na ngayon ay nakatingin sa akin. I smiled at him and he smiled back at me naman. Natawa na lamang kaming dalawa bigla pareho sabay pitik niya sa aking noo at kurot sa ilong. Napahiyaw naman ako sa sakit at tinapik ko ang kaniyang kamay na ikinatawa niya naman lalo. Sinamaan ko lamang siya ng tingin at inirapan, umupo na akong muli at pumikit sabay sandal ng aking likod sa pader. Ramdam ko naman ang pag upo rin ni Pangit sa aking tabi kung kaya naman ay dahan dahan kong iminulat ang kanan kong mata para pag masdan siya. NAkita ko siyang nakapwesto ng kagaya ng akin, nakapikit din siya at nakasandal ang kaniyang likod sa pader. Napangiti na lamang ako at muling pumikit, dahan dahan ko namang inilapat ang akin

