Justin Torres' Point of View: "Uhm wala naman akong gustong bilhin haha sadyang gusto ko lang sumama sa 'yo hehe" Pag amin ko sa kaniya sabay kamot sa aking batok at iwas ng tingin, potek nakakahiya. "Ah ganoon ba? Edi tara bili na lang muna tayo or gusto mo ba sa iba na lang tayo kumain? Saan mo ba gusto haha?" She asked. "Kahit ano naman ako, ikaw saan mo ba gusto? Or kung gusto mo mag laro tayo sa arcade haha" Pagmumungkahi ko na ikinadilat ng kaniyang mata sabay tango tango. "Okay sige tara mag laro na muna tayong dalawa!" Nae engganyo ko pang dagdag ani. Muli ko namang hinawakan ang kaniyang kamay at hinatak siya patungo sa arcade sa loob nitong mall, Quantum naman ang arcade na malapit at natatanaw namin kaya roon na lamang kami dumiretso. "Saan mo gustong magsimula?" Tanong ko

