Justin Torres' Point of View: "Siguro 'yong 'Araw- araw' nalang by Ben and Ben" Sagot ko sa kaniyang katanungan, agad naman siyang napa thubs up sabay lagay ng mga number doon sa videoke. "Good luck!" Agad namang nagsimula iyong kanta at habang tumutugtog ito ay nakikita ko naman siyang napapa indak ng bahagya dahil siguro ay damang dama niya ang awiting ito. "Umaga na sa ating duyan 'Wag nang mawawala Umaga na sa ating duyan Magmamahal, oh, mahiwaga" Sobrang ganda ng kaniyang tinig, sobrang tamis ng kaniyang boses na para bang ang sarap hanap hanapin palagi. "Matang magkakilala Sa unang pagtagpo Paano dahan-dahang Sinuyo ang puso? Kay tagal ko nang nag-iisa And'yan ka lang pala" Nagkatinginan kaming dalawa sabay korte naman ng isang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi na

