Chapter 7
BETWEEN TWO GANGS
I'll give you a chance to escape...
He said that; Creed Craw said that. Later I realized na mukhang mali ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Or maybe he meant what he said. He gave me a chance to escape from being the new queen of Rapsodhee High, pero sa pagdaan ng mga araw, naramdaman kong hindi ang pagiging queen ang kailangan kong takasan. It's him I should have been escaping from.
Seeing Creed every day was not easy. It was torture. From attraction, my feelings toward him switched to fear and irritation. Fear that he might expose what happened between us that night, which I was certain would cause a bad name for me. Irritation because I had to deal with his tantrums and unreasonable hatred to me every goddamned day.
Ako dapat ang galit sa kanya, 'di ba? Pero bakit s'ya itong halos patayin ako sa titig sa tuwing magkikita kami? Bakit parang tuwang-tuwa siya kapag napipikon ako sa mga pang-aasar ni Draven? Bakit parang gusto n'yang napapaaway ako lagi?
We never talked since that day. It was hard to avoid him dahil magkaklase kami at magkatabi pa sa upuan, at hindi ako komportable ro'n. Sa tuwing malapit s'ya ay nakakaramdam ako ng kilabot. Hindi ko maikalma ang sarili ko. It was a good thing na tatlong araw ko na siyang hindi nakikita. Parang nakahinga ako nang maluwag.
"Hey, you want some?" Fashia asked.
Hindi ko s'ya nilingon. Yeah. Bumalik s'ya sa dati simula nang araw na 'yon sa detention room. Mas naging masayahin pa siya. I didn't say sorry for what I did to her arm and she seemed to forget it already, which was good.
"Ayaw mo?" muli n'yang sabi na bahagya pa akong inalog. Napabuntong-hiningang kinuha ko ang iniaabot n'yang chocolate. I didn't like sweets, but I had to accept the chocolate to stop Fashia from bothering me.
Mayamaya ay napansin ko ang pagpasok ni Naami sa loob ng gym. Tumatakbo s'ya at parang may tinatakasan. Kunot-noong napatingin ako sa entrance para tingnan kung may papasok doon kasunod n'ya, at apat na lalaki ang nakita kong pumasok na tila may hinahanap. Lalong nangunot ang noo ko.
Si Naami ba ang hinahabol nila?
"Is that Naami?" narinig kong tanong ni Fashia. Napairap ako. Kailangan ko pa bang sumagot ng oo gayong kitang-kita naman na si Naami 'yon na nagtatago sa likod ng mga upuan ng bleacher? "Hey! What is she doing? Bakit parang nagtatago—oh my God!"
"What?" tanong ko nang malakas siyang suminghap.
"Naami is in trouble. 'Yong apat na 'yon kasi, member sila ng isa sa dalawang gangs dito, ang Dark Empire. Malamang na alam na nila ang ginawa ni Naami dati." Isinubo niya ang hawak na chocolate bar saka puno ang bibig na nagsalita. "Ganito kasi 'yon, Temple. Noong first day ng klase, nagkaroon ng initiation ang kalabang gang ng Dark Empire, ang Gods, para sa mga new member nila. Isa ang inutusan nila na isabotahe ang ilang member ng Dark Empire. Si Naami 'yon. Hindi ko alam kung ano'ng eksaktong ginawa n'ya, pero simula noon ay mainit na siya sa mga mata ng Dark Empire."
Medyo nagulat ako sa narinig ko. Napatingin ako sa direksyon ni Naami. Hindi ako makapaniwalang nakikihalubilo s'ya sa mga gangs. Napakainosente kasi ng mukha n'ya at akala mo ay hindi gagawa ng kahit na anong kalokohan. Ano'ng naisipan ng batang ito para sumali s'ya sa gang?
Ilang sandali pa nakita kong may isa pang lalaki ang lumapit mula sa likuran ni Naami at walang sabi-sabing dinakot s'ya sa buhok saka sapilitang itinayo. Nakaagaw ng atensyon ang eksenang 'yon kaya halos lahat ng nasa gym ay napatingin sa kanila. Narinig ko ang sigaw ni Naami habang pilit s'yang dinadala ng lalaki sa gitna ng gym. Pilit s'yang nanlaban, pero wala s'yang magawa sa lakas ng humahawak sa kanya.
"Hindi siguro alam ni Naami na ang gym na ito ay teritoryo ng Dark Empire. Walang Gods na pumapasok dito kung hindi rin lang sila grupo," sabi ni Fashia.
Gusto kong mapailing. So, talagang hindi kayang kumilos ng isang gangster nang walang kasamang grupo?
Napaunat ako sa pagkakaupo nang makita kong pasubsob na bumagsak si Naami sa sahig nang itulak s'ya ng lalaking humahawak sa kanya. I furrowed when I saw another guy slapped her, so hard that she fell on the floor once again.
It was not surprising at all. Sa mundo ng mga gangsters, walang babae at walang lalaki. Matira ang matibay, kawawa ang mahina.
Naami jerked as the four guys who were chasing her charged, but she was ready to fight back. She knew how to fight, which was amazing and surprising. I watched her kicks and punches. She was like dancing in a martial art rhythm. Until a guy from behind managed to grab both of her arms and locked those in her back. She groaned in pain.
Nagkaroon naman ng pagkakataon ang mga lalaking umatake sa kanya. Napasinghap si Fashia nang makita niyang tumanggap ng sunod-sunod na atake si Naami.
"Let's go get some help," aniya.
Napabuntong-hiningang tumayo ako sa pagkakaupo. Nahulog sa sahig ang chocolate na nasa aking kandungan, pero hindi ko na pinansin 'yon. Sa halip ay humakbang ako pababa sa court.
"Temple, saan ka pupunta?" Sumunod si Fashia. "Naami needs help, pero hindi ko sinabing ikaw ang tumulong sa kanya."
"Who said I'm gonna help her?" I rolled my eyes. This wasn't my fight.
The last time I fought for something I should have not fought, a devil almost killed me. The lesson had been taught: do not interfere with someone else's business.
"Jake needs to see this," Fashia whispered as she followed me.
Who the hell was Jake?
I didn't have time to ask at all. Tumakbo si Fashia palabas ng gym. Umiwas siya sa mga lalaking pinagkakaguluhan si Naami.
Wala sa loob na napatigil ako sa paghakbang para panoorin ang nangyayari. Anim na lalaki ang nagtutulong-tulong na saktan si Naami habang marami ang nanonood lang. Nanginginig naman ang katawan ni Naami at dumudugo ang bibig at ilong, but she was tough enough to maintain her balance despite the threat around her.
"Your looks deceived me," wala sa loob at pabulong kong sabi habang nakatitig sa kanya.
Then it happened. Naami drew a Swiss knife. It was as small as her palm kaya siguro hindi napansin ng mga lalaki. Napaatras na lang ang isa sa kanila nang tumama ang talim ng maliit na kutsilyo sa pisngi nito.
Nataranta ang marami at natibag ang depensa nila. Sinamantala iyon ni Naami at tumakbo. Hindi n'ya yata ako napansin at hindi rin ako nakaiwas kaagad nang bigla siyang umikot kaya bumangga s'ya sa akin. Muntik na akong bumagsak, ganoon din s'ya.
Nang makilala n'ya ako ay bahagya siyang nagulat, pero agad ding naging blangko ang reaksyon ng mukha niya saka ako hinawi para makaraan siya.
Tahimik kong sinundan s'ya ng tingin nang mabilis siyang tumakbo palabas ng gym. Hindi na rin siya hinabol ng mga lalaki. Sa halip ay pinagtuunan nila ng pansin ang kasama nilang nasugatan ni Naami na para bang ikamamatay nito ang maliit na sugat na iyon.
Napapailing na tumalikod na rin ako. Nasa labas na ako nang humahangos na dumating si Fashia.
"Hindi ko makita si Jake," aniya. "A-ano'ng nangyari? Nasaan si Naami?"
"She escaped," I replied.
Fashia let out a sigh of relief. "Oh, God. Those guys are crazy. Bukas ang laban ni Creed sa Mary Kane College, at ngayon pa talaga nila naisipang manggulo."
"Laban ni Creed?" Hindi ko intensyong ipakita na interesado ako sa narinig ko, pero iyon ang nangyari.
Napalingon sa akin si Fashia at natutop niya ang sarili niyang bibig na para bang may nasabi siyang hindi niya dapat sabihin.
"Ano kasi, Temple, ano..."
"I heard Mr. Hontraver mentioned about this incoming fight," I said, trying to sound uninterested. "Naami said something about a giant chessboard, the Underground. So, Creed is the knight, and he is going to fight against Mary Kane's student. Am I right?"
Fashia's eyes widened. "You knew?"
"I am not stupid,"
It was just a hunch actually. I wasn't certain what I was talking about. Rapsodhee High was no ordinary school, pero hindi ko pa sigurado kung ko talaga ang nangyayari sa loob nito. I just assumed na may kaugnayan ito sa larong chess base na rin sa mga narinig ko simula nang dumating ako rito.
Fashia's reaction proved that I was right.
She looked back at me, eyes dark. "I should have known you're going to figure it out by yourself, Temple, but it's better kung hindi ka na masasangkot sa ginagawa ng school na ito. Heina and I are just pawns here, the weakest piece, but we're safe."
Pawns.
Sa chess, ang mga pawns ang pinakamahinang pyesa. Mga pain. But as far as I knew, may mahalagang papel ang pawn sa larong chess. Sinabi nilang ako ang napipisil para maging sunod na queen. Queen talaga, ang pinakamalakas na pyesa sa chess.
Naisip ko lang, sa larong ito, ano ang pagkakaiba ng pawn sa queen?
Sa canteen kami dumiretso pagkagaling sa gym. Kaunti lang ang tao doon.
Mas mabuti.
Bottled mineral water lang ang binili ko. Wala naman akong balak kumain kaya ako narito. Napilitan lang ako dahil sa kakulitan ni Fashia. Ewan ko ba. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko simula nang makilala ko ang babaeng ito. Usually ay hindi ako napipilit ng kahit sino. Kapag ayaw ko, ayaw ko. Pero sa babaeng ito, wala akong magawa. Lagi n'ya akong napapasunod sa gusto n'ya kahit sobrang naiirita ako.
There was something in her that I couldn't resist and I didn't know what it was.
We didn't talk about Creed's incoming fight at all. Fashia was obviously avoiding the topic and my pride told me not to ask again. Which was boring.
Pinagmasdan ko ang paligid. Napansin ko ang dalawang grupo ng mga estudyante sa kanan at kaliwa ng pwesto namin. Matalim ang mga titig nila sa isa't isa.
Ilang sandali pa at dumating si Naami kasama ang dalawa pang estudyanteng babae. Nangingitim na ang mukha niya sanhi ng bugbog na tinamo mula sa mga lalaki sa gym kanina, pero nanatiling matigas ang reaksyon ng kanyang mukha. Ibang-iba na ang presensya n'ya kumpara noong ko siyang nakilala. Wala na ang cute at inosenteng Naami.
Palihim kong pinagmasdan nang lumapit siya sa mga estudyanteng nasa kaliwa. Nagbulungan sila habang sumusulyap sa mga estudyante sa kanan.
Ilang minuto ang lumipas bago ko napagtanto kung ano ang nangyayari. Ang mga estudyanteng nasa kaliwa kasama ni Naami ay ang Gods Gang at ang nasa kanan naman ay ang Dark Empire Gang.
Napaggigitnaan nila kami ni Fashia.
So?
Babalewalain ko na sana sila nang mapansin ko ang pagtayo ng isa sa grupo ng Dark Empire. Hindi ako tuwid na nakatingin sa kanya, pero sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong dumampot siya ng bote ng cola habang lumalapit sa grupo ng Gods.
Natigilan si Fashia nang sa wakas ay mapansin n'ya ang nangyayari. Tumingin s'ya sa akin na parang sinasabing umalis na kami. Tinaasan ko s'ya ng kilay. We did not do anything wrong, so these gangs were here not because of us.
I noticed that other students in the cafeteria got up from their seats and swiftly ran outside. They were not members of Gods or Dark Empire, I thought.
The guy holding a bottle stopped walking across our table. He pointed out Naami using the bottle. He was the guy that Naami wounded back in the gym, I noticed.
"Oh, God. Let's get out of here." Pasimpleng tumayo si Fashia at lumipat sa tabi ko. Nanginginig ang mga kamay niyang humawak sa braso ko.
"Who's that guy?" Binalewala ko ang takot niya at pasimpleng itinuro ang isang estudyanteng katabi ni Naami. Gwapo s'ya at ang buhok ay may highlight na asul. Mapaglaro ang ngiting nakapaskil sa labi niya, tila ini-enjoy pa ang nangyayari.
"That's Jake Creus. He leads the Gods,"
Napatango ako. S'ya pala ang Jake na tinukoy ni Fashia kanina.
Sinulyapan ko si Naami. Tahimik lang siyang nakamata sa lalaking may hawak na bote. Kung hindi ako nagkakamali, idadaan nila sa one on one fight ito para mairaos ang nangyari kanina. Ganoon naman talaga kadalasan ang ginagawa ng mga gangster wanabes sa tuwing nagkakapikunan sila.
"Dating gawi," anang lalaki na nakatingin pa rin kay Naami. "Tapusin natin ang sinimulan mo."
Humakbang pauna si Naami. Tila handa siyang harapin ang hamon ng lalaki.
Pero humarang ang braso ni Jake sa daraanan niya.
"I don't think we still have to do this," he said. "We are going to face a battle tomorrow, remember? Hindi makakabuti kung magkakagulo tayo ngayon. We should cheer for Creed, right?"
"You started this," a guy from the right corner replied. Unlike Jake, his face was too serious and his dark eyes seemed like death was with him. His hair was long and braided, and the scar on his left temple down to his neck was scary.
"That's Eduard Hollet. Leader ng Dark Empire," pabulong na sabi ni Fashia.
I liked his presence, honestly.
Jake giggled. "Come on, Hollet. That initiation didn't kill anyone and it was part of welcoming a new member in both of our gangs. Naami just did a great job. Bakit parang init na init ang mga bata mo sa kanya gayong sila man ay winalanghiya rin ang ilan sa mga bata ko?"
"We had a deal, Creus," replied Eduard. "No more childish initiation against each other, remember? That was our deal last year. You blew it up and you are expecting Dark Empire would let it pass just like that?"
"Then beat me... tutal ay ako naman ng nag-utos kay Naami na pagtripan kayo." Muling tumawa si Jake. Tumayo ito at humakbang papalapit sa lalaking may hawak na bote. Nakangisi niyang inilapit ang mukha sa mukha nito. "Oh, this little dickhead is cute. Hmm... Masakit ba 'yang pisngi mo? Halika, gamutin natin."
And without any warning, Jake punched him in the face, right to his wounded face. Napatayo sa pagkakaupo si Eduard at nilapitan ang gang member niyang bumagsak sa sahig. Tinulungan niya itong tumayo.
Impit na napatili si Fashia sa tabi ko at humigpit ang hawak niya sa aking braso. Pumapalatak kong itinulak s'ya.
Tiim-bagang na hinarap ni Eduard si Jake. "Let's end this."
And it happened. I watched as Jake and Eduard charged to each other. They were the gang leaders and I wanted to see how good they were.
Jake was playfully dodging Eduard's punches. He was enjoying it, I could tell. Meanwhile, Eduard looked like he would start World War 3 the way he was trying to hit Jake. His face looked so scary. Bukod kay Creed, siya ang sunod kong nakita sa school na ito na may nakakatakot na presensya.
"Temple, umalis na tayo." Hinila ako ni Fashia. Hindi ko siya pinansin.
Sa harapan lang ng lamesa namin naglalaban sina Jake at Eduard habang ang mga gang members nila ay nakapaikot, ang ilan sa kanila ay nasa likuran pa ng kinauupuan namin ni Fashia. No wonder, Fashia was so scared. We might get hit in here. However, watching the fight this close was more exciting to me than to leave and watch from the glass wall of the cafeteria.
The guy earlier whom Jake punched suddenly attacked Naami. Naami saw it and managed to block the blow.
That's how it started. From Jake and Eduard to Naami and that guy to the entire gang members, all of them fought. Fashia ducked under the table to avoid the flying plates and bottles, and chairs, and bodies, too.
I remained in my seat, watching carefully. Whenthey said there were gangsters here, inasahan ko nang may mga riot na nagaganapdito, pero inasahan ko rin na somehow, the School Administration would think of a way to clean the mess. However, no one seemed to come here to stop the fight. Students outside were not even bothered to call anyone who could make this stop.
I saw Eduard Hollet left Jake Creus to save his gang member from an opponent's attack. Tila naman batang nagtampo si Jake nang iwan s'ya si Eduard. Nakanguso niyang hinabol ito, pero isang myembro ng Dark Empire ang sumugod mula sa likuran at hinampas siya ng upuan. Pasubsob na bumagsak sa lamesa ko si Jake.
"f**k—oh. Hi, Miss Strawford." Bigla siyang ngumiti nang makita ako. "Are you enjoying the show?" He winked and suddenly groaned as the guy earlier hit him again with a chair. "Goddamn it! This is embarrassing. You fuckin' asshole, come here."
I rolled my eyes. This was getting ridiculous.
I heaved a sigh and looked under the table to see what Fashia was doing. I frowned when I saw her crying.
"Hey." I held her arm. "Let's go."
Relief flickered in her eyes. She hurriedly got out under the table and I almost stumbled when she dragged me out of the cafeteria, away from the chaos.
My brows furrowed while looking at her hand holding me. I thought she was weak, but she had a strong grip.
Carefully, lumampas kami sa nagrarayot na Gods at Dark Empire. Wala rin namang pumansin sa amin kaya malaya kaming nakalabas ng cafeteria. Saka lang nakahinga nang maluwag si Fashia.
"I need a drink," aniya habang patungo kami sa classroom.
Mayamaya ay nangunot ang noo ko nang mapansin ko sa pasilyo ang School Administrator kausap ang tatlong SC. Wala naman sanang masama na nag-uusap sila, pero ang ipinagtaka ko ay ang reaksyon ng mga mukha nila. Parang may problema sila base sa pagkakakunot ng mga noo nila.
"Don't mind them. Baka pinag-uusapan lang nila ang magiging laban ni Creed bukas." Narinig kong sabi ni Fashia na parang nahulaan ang dahilan ng reaksyon ko.
Hindi ko s'ya pinansin. Nakatutok pa rin ang mga mata ko sa apat na lalaki. Hindi ko alam, pero naramdaman kong parang may mali.
Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Fashia at nang sa wakas ay makalapit kami sa kanila, naulinigan ko ang sinasabi ng School Administrator.
"...this is happening! Paano tayo lalaban sa Mary Kane College bukas kung nawawala si Creed?"
Napaunat ako.
Nawawala si Creed?