Chapter 10
SURVIVAL NIGHT
I should have clapped my hands to celebrate dahil dumating si Creed in the last second para lumaban para sa Rapsodhee High, pero ni Hindi ko maalis ang kabang kanina ko pang nararamdaman.
God!
Creed looked so terrible. May pasa s'ya sa kanang panga at nangingitim din ng paligid ng kanyang mga mata. May sugat siya sa noo at bibig, at bakas doon ang mga natuyo nang dugo. He was still wearing the Rapsodhee High's uniform, but it was already ruined and bloody. I knew and I was pretty sure that he was wounded. Para ngang may fracture ang kaliwang braso niya.
I asked, "What happened to you?"
"None of your business," he answered arrogantly. "Step aside. This isn't your fight."
He shoved me away and let go of my arm. I watched as he walked to the ring. He was limping. His right knee or maybe his ankle was badly injured.
"Very well. It seems Creed Craw made it on time. This is gonna be more exciting." I heard Dylan Boxon said.
I ignored him. I was watching Creed. Mabilis ang paghinga niya at tila babagsak siya ano mang sandali. Everybody could tell that he was tortured. Rapsodheenians were silent while looking at him. Miss Meira and Mr. Hontraver were both tensed, I saw it in their faces.
Creed's last-minute appearance didn't help to ease the tension. Mas lalo pa nga yatang kinabahan ang lahat dahil sa hitsura niya.
I moved and blocked Creed's way in. He furrowed.
"You're not okay," I said.
Creed smirked. "Are you trying to flirt with me? Well, better luck next time. I would love to undress you again, but for now, I have more important things to do first."
"Asshole." My face turned red. "Ang sinasabi ko lang... hindi mo kayang lumaban sa kondisyon mong 'yan. Look at yourself."
He did not answer. For a moment, we just stared at each other. He knew I was right, but he didn't want to accept it.
He shoved me away once again.
I hardly gritted my teeth. I would love to see him fight, but this was not the right time for that. He was injured and weak, he couldn't deny it. Alam kong hindi niya kayang labanan si Tom Craden na nasa maayos na kondisyon ang katawan. Matatalo siya sa laban at ano na lang ang mangyayari sa amin... sa akin?
"Go," sabi n'ya bago ako tuluyang tinalikuran.
Hindi na ako nag-isip pa. Hinawakan ko ang balikat niya at pinihit siya paharap. Mahinang ungol na lang ang kumawala sa lalamunan niya nang tumama sa sikmura niya ang aking tuhod. Paluhod siyang bumagsak at sinamantala ko iyon. Mabilis akong humakbang patungo sa ring.
"I will fight," sabi ko kay Dylan Boxon. I forced myself not to look at Creed again; I didn't look to anyone but Dylan Boxon. "Creed Craw is not in good condition to fight tonight, so I'm taking his place."
"Impressive girl, huh," Dylan Boxon replied while intensely looking at me in the eyes. "I like the bravery. Let me know your name."
"Temple Strawford," I coldly answered. Hindi ko gusto kung paano n'ya tingnan ang mga mata ko. Kagaya rin iyon ng tingin na ipinukol sa akin nina Mr. Hontraver at Ms. Meira nang una nila akong makita.
Amusement flickered in his eyes. "Nice name. Welcome to my world, Miss Temple Strawford." Hinarap niya ang mga estudyante ng magkabilang panig. "Interesting, right? Who expected this? Well, let me introduce our new fighter, Temple Strawford from Rapsodhee High."
Rapsodheenians, even if I didn't look at them, were uneasy. I couldn't blame them. They didn't know me. They didn't trust me... not yet. Nakasalalay sa labang ito ang mga buhay nila at siguradong kinakabahan sila ngayon dahil lalaban para sa kanila ang kagaya kong hindi pa nila ang kakayahan taglay.
"So, what are we still waiting for? Let's start the game. Fighters, don't forget the rule," Dylan Boxon said and looked at me. "The rule, Miss Strawford, is DON'T TAP. Whatever happens, don't tap."
Kumunot ang noo ko. Don't tap? What the hell was that mean? Oh, yeah. It was a ring fight. Tapping means surrendering, so don't tap means we were not allowed to surrender. One of us was going to die tonight.
And it wasn't me.
Nakakunot pa rin ang noo ko nang kumilos si Dylan Boxon para umalis sa hawla. Ngumiti siya sa akin ang mouthed the word 'good luck' as he totally stepped out.
Bahagya kong ipinilig ang aking ulo at hinarap ang aking kalaban—Tom Craden. Sa kaniyang mukha, mahuhulaan na hindi siya isang teenager na kagaya ko. Siguro ay nalipasan na ng taon sa pag-aaral. O marahil ay hindi siya makatakas sa larong ito.
"Ngayon lamang kita nakita," aniya sa malagom na tinig. Nawala na sa labi niya ang masayang ngiti. Tila nahamon ang kanyang p*********i sa bigla kong pagsulpot. "Napakatagal nang panahon na walang reyna ang pyesa ng Rapsodhee High."
Hindi ako nagsalita bagama't tumatak sa isip ko ang sinabi niya. Matagal na walang queen ang Rapsodhee High? Pinigilan ko ang sarili kong magtanong. Saka ko na lang aalamin ang tungkol sa bagay na iyon. Sa ngayon ay kailangan kong maging alerto.
Hindi naitago ng kaniyang mukha ang nang-uuri niyang tingin sa akin. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa, mula paa hanggang ulo. Tila sinusukat ang kakayahan ko bilang isang babae.
Umangat ang kilay ko. Inasahan ko nang mamaliitin niya ako. Kung sabagay, lagi naman talagang minamaliit ang isang babae, hindi ba? Ang gender equality ay hindi naangkop sa mga sitwasyon at pagkakataon na kagaya nito. Para sa kanila, ang babae ay babae. Inisip n'ya siguro na mabilis n'ya akong magagapi.
Pinag-aralan ko ang mga maaari niyang gawin. Bago ako sa ganitong klase ng sitwasyon. Hindi ko alam kung ano'ng mga gimik ng laro kaya kailangan kong maging alerto at maingat.
Pasimple kong nilingon ang direksyon kung saan ay patungo si Dylan Boxon. Pumasok siya sa bumukas na elevator. Mukhang hindi siya mananatili sa lugar na ito para manood. Marahil ay pupwesto siya sa isang ligtas na silid kung saan ay may mga bodyguards na magbabantay sa kanya at monitors kung saan ay mapapanood niya ang mangyayaring laban ngayon.
Sa kaniya ako nakalingon nang bigla akong mapaatras. Nagdilim ang paningin ko kasabay ang bahagyang pamamanhid ng kanan kong pisngi.
Umawang ang aking labi nang makita ko si Tom Craden na nasa harapan ko. Nakataas pa ang kaniyang kamay. Kumuyom ang kamao ko. Nakapuntos kaagad siya laban sa akin.
"What? Surprised?" Ngumisi s'ya. "Focus, little cat. Or else, you'll end up kissing my feet. Understand?"
"Yes." Umatake ako. Nakakuyom ang kamaong humakbang ako at tuluyang lumapit sa kanya. Nagawa ko siyang mapaatras sa pamamagitan ng isang solidong suntok na hindi n'ya naman iniwasan. Hindi siya bumagsak. Alam ko, hindi siya kayang patumbahin ng isang suntok lang.
Hindi ito ang unang beses na nakipaglaban ako sa isang lalaki. Isa akong street fighter bago ako dumating sa Rapsodhee High. Iyon ang naging sandalan ko para lumakas. Ang mano-manong laban ay hindi bago sa akin. Hindi man propesyunal na manlalaban, alam ko sa aking sarili ang kakayahan at ganoon din ang limitasyon ko.
Ang problema ay iba ang sitwasyong ito na kinasadlakan ko. Nasa loob ako ng isang laro. May nagmamanipula sa akin at sa bawat kilos ko.
Bahagya akong napapitlag nang makita ko ang pagsugod ni Tom. Wala akong ibang maisip na gawin kung hindi ang umiwas. Hindi dahil sa natakot ako kundi dahil kailangan kong pag-isipan ang dapat kong gawin.
Matagal ko nang alam ang katotohanang mas malakas ang lalaki kaysa babae kung pisikal na lakas din lang ang pag-uusapan. Kahit alam kong mahusay ang Muay Thai skills ko, mas malakas pa rin ang lalaki sa akin. Isang solidong suntok lang ay kaya niya akong mapabagsak. Kaya nga natutunan kong huwag daanin sa lakas ang lahat. Kailangan kong makaisip ng paraan para manalo. Ang fist to fist fight ay hindi lang tungkol sa lakas na kayang ibigay ng kamao, isang bagay na hindi ko nakakalimutan.
Matangkad si Tom at matipuno ang katawan. Nakita ko kung paano siya pumorma na para bang hindi ako makakatakas sa kanya. Malikot ang footwork niya at ang mga kamay ay nakababa lang sa magkabilang gilid. Isa lamang ang naisip ko dahil sa mga kilos at porma niya. Practitioner siya ng Taekwondo. May advantage ako bilang isang Muay Thai practitioner. Kung magagawa ko lang makakuha ng tamang tyempo ay makakaya ko siyang talunin.
Nang makita kong sumugod na siya ay sumabay ako. Tinalon ko ang maliit naming distansya at saka pinatama ang aking tuhod sa kaniyang baba. Bahagya lang siyang napaatras. Ipiniksi niya ang sariling ulo para pawiin ang pagkahilo sanhi ng ginawa ko.
Sinamantala ko ang pagkakataong 'yon. Muli akong sumugod at sinipa siya sa hita. Kung papanoorin ay parang walang epekto ang sipa sa hita, pero para sa amin ay isa itong delikadong atake. Ito ang una kong natutunan mula sa mga naging kalaban ko. Maaari nitong mapamanhid ang pakiramdam ng isang kalaban. Mapipigilan ito sa pagtayo nang tuwid at magiging isa iyong malaking advantage para sa attacker.
Lihim akong napangiti nang paluhod na bumagsak si Tom matapos ang sunud-sunod kong sipa sa kanan niyang hita. Pagkakataon ko na. Naging sunud-sunod ang atake ko sa kanya. Siko, tuhod, sipa, at suntok. Lahat ay tumama sa katawan niya. Hindi ko siya hinayaang makatakas sa akin. Hindi siya dapat magkaroon ng pagkakataong umatake hangga't maaari.
Ngunit tila kulang pa ang aking ginawa. Nanatili lang siyang nakaluhod, hindi tuluyang bumagsak. Humihingal akong lumayo sa kaniya. Dama ko ang sakit sa mga parte ng katawan ko na ginamit sa pag-atake. Hindi biro ang mga ginawa ko, pero hindi ko man lang siya tuluyang napabagsak. Tinanggap n'ya lang lahat ng atake ko sa kanya.
Pinagmasdan ko siya. Nakapinta sa labi niya ang nakakalokong ngisi. Nang tumayo siya ay umatras ako ng isa pang hakbang. Malapit na sa rehas ang likod ko. Bahagya akong nataranta. Hindi niya ako dapat mahuli sa sulok.
"Are you done?" tanong n'ya habang ipinipilig ang sariling ulo. "I think now is my turn."
Naging mapanganib ang kaniyang ngisi at saglit lang ay kaagad na siyang sumugod sa akin. Ihinanda ko ang sarili ko. Sa pagkakataong ito, hindi ako dapat makipagsabayan ng atake sa kaniya. Kailangan kong sumalag o umiwas sa mga atake niya habang pinag-aaralan ang mga kilos at atake niya. Kailangan ko ring bawiin ang lakas ko.
Itinaas ko ang dalawa kong braso para takpan ang aking mukha mula sa kaniyang atake. Pero nanlaki ang mga mata ko nang tumilapon at bumalandra sa rehas ng ring ang aking katawan. Sobrang lakas ng sipa niya at kahit nagawa ko iyong salagin ay tumilapon pa rin ako dahil sa impact.
Mabilis akong tumayo, pero huli na. Naramdaman ko na lang ang matinding sakit sa iba't ibang parte ng katawan ko. Nasa harapan ko siya at ginawang punching bag ang katawan ko.
Sinubukan kong tumakas mula sa pagkakasadlak ko sa rehas, pero hindi ko alam kung bakit parang hindi ko maialis ang sarili kong katawan. Dahil doon ay tinanggap ko ang lahat ng atakeng ginawa niya. Nasalag ko ang marami sa mga iyon, pero hindi sapat. Mabilis ang pagpapalit-palit ng sipa niya at may lakas iyon na hindi kayang tapatan ng braso ko. Isang huling sipa sa sikmura ang natanggap ko bago niya ako tinigilan.
Napaungol ako sa matinding sakit at nagsikip ang aking paghinga. Hindi ko napigilan ang katawan ko. Kusa iyong bumagsak sa sahig. Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig ko. Nalasahan ko iyon, mapait, at namamanhid ang mga kamay ko para pahirin iyon. Ilang ulit din akong napaubo dahil sa sakit na nararamdaman.
Sa kabila ng sitwasyon ko ay isang sipa ulit ang natanggap ko mula sa kaniya at tumama 'yon sa kaliwa kong tagiliran. Halos mapasigaw ako sa sakit. Pakiramdam ko'y may nabaling tadyang sa akin.
Lumuhod siya sa tapat ng ulo ko at saka tinunghayan ang aking mukha. Nasa mga ngisi niya ang masayang tagumpay. Ang tingin ko sa kaniya ay isang halimaw na nakatunghay sa akin at ilang sandali pa ay susunggaban na ako para lapain. Marahas niyang hinablot ang buhok ko at sapilitan akong itinayo para iharap sa mga nanonood. Gusto kong tumayo nang tuwid, pero namamanhid pa rin ang katawan ko kaya muli akong bumagsak nang bitiwan n'ya ako.
Nang makita niya ang kalagayan ko ay bahagya siyang umatras. Binigyan niya ako ng pagkakataong bawiin ang lakas ko. Lihim kong ipinagpasalamat ang ginawa niya. Lihim akong humanga sa ugaling kaniyang ipinakikita. Bihira sa mga street fighters ang nagbibigay respeto sa kalaban.
Hindi ako nag-abalang tingnan ang mga tao sa paligid. Ayokong makita ang mga mukha nila. Ayokong makita ang takot sa mga mata nila. Kung maaari ay gusto kong takpan ang mga tenga ko para hindi marinig ang sinasabi nila. Alam kong umaasa sa akin ang mga estudyante ng Rapsodhee High, pero wala akong pakialam sa kanila. Hindi sila ang dapat kong isipin. Sarili ko lamang ang mahalaga ngayon. Hindi ako dapat mamatay sa larong ito.
Sinamantala ko ang minutong ibinigay ni Tom Craden sa akin. Nag-ipon ako ng lakas at saka marahang tumayo. Hindi ko pa rin nababawi ang buo kong lakas, pero hindi ako pwedeng mahiga na lamang at maghintay na matalo.
Gumuhit ang bahagyang ngiti sa labi niya nang makita akong nakatayo. Bagaman at hindi pa matikas ang pagkakatayo, nagawa ko nang ibalik ang lakas ng mga paa ko. Sapat para alalayan ang katawan ko sa muling pagbagsak. Mariin akong humawak sa rehas ng hawla para alalayan ang sarili kong katawan. Handa ako sa sunod na mangyayari. Nararamdaman ko pa rin ang sakit sa katawan ko, pero mas nananaig sa akin ang kagustuhang maipanalo ang labang ito.
Lumakas ang sigaw sa paligid na kanina ay tahimik lang. Hindi ko alam kung kanino nagmumula. Hindi ko alam kung kaninong sigaw ang mas malakas―kung sa MKC ba o Rapsodhee High. Sa pandinig ko ay umugong iyon. Hindi ko sila pinansin. Ayokong alisin ang tingin ko kay Tom kahit isang segundo.
Nang sumugod siya sa akin ay sumabay ako. Tumalon ako pasugod sa katawan niya, nangunguna ang tuhod ko na ang puntirya ay ang kaniyang dibdib. Mas malakas ang naging impact ng atake ko kaya sa aming dalawa, siya ang bumagsak. Kasunod niya rin na bumagsak ang katawan ko, nasa ibabaw ako.
Sinamantala ko iyon. Sa nanginginig na mga kamao ay nagawa ko siyang suntukin nang paulit-ulit sa mukha. Hindi siya sumalag sa halip ay hinayaan lang ako. Nang maramdaman kong nauubusan na ulit ako ng lakas ay mabilis akong umalis sa ibabaw niya at lumayo. Sumandal ako sa rehas. Ipinahinga ko pansamantala ang aking katawan habang siya ay nanatiling nakahiga. Kagaya ko ay tila nag-iipon din siya ng panibagong lakas.
Kapwa kami humihingal, kapwa kinakapos ng hininga dahil sa pagod at dahil sa lugar na ito na tila walang hangin. Maingay sa paligid, kapwa kami walang pakialam. Nasa sitwasyon namin ang aming buong atensyon.
Nang makita kong kumilos siya ay inihanda kong muli ang aking sarili. Sa laban na kagaya nito, bawat segundo ay mahalaga. Bawat pagkakataon ay hindi dapat sayangin. Kung may makitang maliit na pagkakataon para umatake, dapat itong gawin nang mabilisan bago ka pa maunahan.
Naririnig ko ang lumalakas na sigawan mula sa mga estudyante sa paligid. Nakakarindi na sila ngayon. Masakit sa tenga ang ingay na nilikha nila.
Nang tuluyang makatayo si Tom ay agad akong kumilos. Tinakbo ko ang direksyon niya at niyakap ang katawan niya at itinulak sa kabilang panig ng hawla. Bumalandra siya sa rehas. Nakayuko, ininda ang sakit sa sikmura na tinamaan ng aking balikat.
Napakagandang posisyon para sa akin. Binitiwan ko siya at dinakot ang buhok niya. Iniyuko ko siya nang tuluyan at sunud-sunod na pinatama sa mukha niya ang aking tuhod. Batid kong hindi ito sapat para tuluyan siyang mapabagsak, pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Hindi ako tumigil. Itinuloy ko lang ang aking ginagawa sa kabila ng pagod. Umasa akong makalalamang ako, pero hindi pa rin.
Naramdaman kong umangat ang paa ko sa sahig. Namalayan ko na lang na nakayakap sa aking bewang si Tom. Binuhat niya ang katawan ko at pagkatapos ay iniarko niya ang kaliwa niyang tuhod. Alam ko ang gagawin niya at hindi maganda 'yon. Kailangan kong kumilos at i-counter ang atakeng iyon, pero huli na. Napasigaw na lang ako nang maramdaman ko ang matinding sakit ng likod ko na tumama sa tuhod niya.
Parang naparalisa ang buong katawan ko dahil sa sakit. Alam kong itinapon niya sa sahig ang katawan ko, pero hindi ko naramdaman ang pagbagsak ko. Nakita ko na lang na nakalugmok sa sahig ng ring ang sarili kong katawan habang si Tom ay matikas na nakatayo.
Sa nanlalabo kong paningin ay nakita ko ang duguan niyang mukha at hindi n'ya ininda iyon. Matikas pa rin siyang nakatayo.
Ilang ulit akong huminga nang malalim at umubo.Sa huling ubo, naramdaman ko ang paglabas ng dugo mula sa aking lalamunan.Pinilit kong kumilos at bumangon, pero hindi ko magawa. Namanhid ang buo kongkatawan dahil sa ginawa ni Tom. Naramdaman ko na rin ang pangangapal ng aking mukha, unti-unti na itong nagkakaroon ng pasa.
Nakita ko ang paglapit ni Tom sa akin. Gustuhin ko mang tumayo para labanan siya, hindi ko magawa. Walang lakas ang buong katawan ko. Sobrang manhid. Hindi ako nakagalaw man lang nang sapilitan niya akong itayo at isandal sa rehas. Gustuhin ko mang itulak siya ay hindi ko maikilos ang aking mga kamay.
"Hindi kita kilala nang lubusan, but I want you to know that this game isn't just for fun. To survive, you have to kill your enemy. This is how we play it," aniyang nakangisi. "Pinahanga mo ako, sa totoo lang, pero hanggang dito na lang ito." Sa loob ng mahabang minutong laban namin ay nagbitiw siya ng salitang nagpapahiwatig na handa na niyang tapusin ang laban.
Kasunod noon ay naramdaman ko ang tuluyang pagdiin ng mga kamay niya sa leeg ko. Desidido na siyang tapusin ito at ang tanging paraan para magawa iyon ay ang patayin ako. Nanginig ang katawan ko, nangapos sa hininga habang ang mga daliri niya ang mariing nakadiin sa jugular vein ng leeg ko.
Ito na ba talaga ang katapusan?
Tuluyan nang nagdilim ang paningin ko. Naglaho na rin ang ingay na naririnig ko sa paligid. Naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig. Naalog ang katawan ko. Nakamulat ang aking mga mata, pero pawang kadiliman lang ang nakita ko.
Kadiliman na unti-unti ay nahaluan ng pulang kulay na tila talsik ng dugo o patak ng dugo. Sa naghahalusinasyon kong isipa'y nakita ko ang talim ng espada: duguan, nagpapahiwatig ng buhay na kinitil nito.
"Temple!" Narinig ko ang tinig na iyon. Ang tinig na kilalang-kilala ko.
Sahara?
Sinubukan ko siyang hanapin, pero wala akong makita kundi dugo at kadiliman. Naipikit ko ang aking mga mata. Oo, tama. Hindi ko na siya makikita pang muli. Imposible nang mangyari. Wala na siya. Ang buhay niya ay ninakaw sa hindi makatarungang paraan. At hindi ako pwedeng mawala sa mundong ito nang hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. Hindi ako pwedeng matalo sa labang ito. Hindi ko pwedeng hayaan ang larong ito na nakawin ang pagkakataon kong makita ang lalaking iyon. Dapat kong tapusin ang labang ito sa paraang gusto ko.
Hindi isang Tom Craden lang ang pwedeng tumalo sa isang Temple Strawford.
Kinalma ko ang aking sarili at inalis ang takot sa aking dibdib saka ko marahang iminulat ang aking mga mata. Madilim nang una, pero unti-unting nagkaroon ng kulay ang paningin ko.
Tumayo ako. Manhid pa rin ang buong katawan ko, pero kumilos ito at hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon.
Bumadha ang gulat sa mukha ni Tom nang makita ako. Tila hindi makapaniwala na nagawa ko pang tumayo. Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na eksena. Nakita ko na lamang siyang sumisigaw habang gumugulong sa sahig ng ring. Nakatakip sa mga mata niya ang sariling kamay at may dugong umaagos mula roon. Hindi ko pinansin ang pagsigaw niya. Pabagsak akong lumapit sa kaniya at hinawakan nang mahigpit ang buhok n'ya at saka paulit-ulit na iniuntog sa sahig ang mukha niya.
Pumalag siya. Pilit niyang itinulak ang mga kamay ko. Nang magtagumpay ay tumayo siya at mabilis na umatras palayo sa akin, pero dahil sa duguan ang mga mata niya'y bumangga siya sa rehas at muling bumagsak. Humihingal na pinanood ko siya.
Nawala ang ingay at sigawan sa paligid. Ang tanging pumunit sa katahimikan ay ang nakakakilabot na sigaw ni Tom.
Humihingal na kumilos ako at paupong sumandal sa rehas. Pinagmasdan ko ang duguan kong mga palad.
Gaano na ba karaming dugo ang nasalat ng mga palad kong ito? Dugo na kahit hugasan ko'y tila may naiiwang lansa. Sa labang ito, ako ang nagwagi. Pero alam kong hindi sa ganito magwawakas ang larong ito.
Ito lang ang simula...