Release the Demon

2609 Words
Chapter 3 RELEASE THE DEMON A week since I came, I was still getting that kind of stare from the students, which was really irritating. I always ignore them, but it did not stop me from thinking kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga tingin na 'yon. Hindi rin nakakatuwa na they were provoking me to cause trouble. They tried to bully me, in fact, and I felt that they were waiting kung lalaban ba ako. It happened three times at hindi ko na lang sila pinansin. I did not raise my fist; I just ignored them and walked away. Which was boring. "Hey Temple, a penny for your thought." I heard Fashia's voice. She was waving her hand in front of my face. Iritado kong hinawi ang kamay n'ya saka wala sa loob na nilaro ang carbonara na nasa harapan ko. "Sungit naman nito. What's the matter?" "Just stop talking." Fashia and Heina, without my consent, regarded themselves as my friends. Lagi silang nakasunod sa akin and telling other students na kaibigan ko sila. I told them once to stay away from me, pero makulit sila kaya hinayaan ko na lang. Besides, hindi naman ako ang nagmumukhang alalay. "Wala ka pa rin bang gagawin?" tanong ni Heina na ikinaangat ng mukha ko. Kunot-noo ko siyang nilingon. "Alam mong may gusto silang gawin mo, 'di ba? Bakit nananahimik ka pa rin hanggang ngayon?" "Heina, stop it. Pwede namang hindi maging kabilang si Temple sa mga 'yon, 'di ba? Like the two of us. Okay na na kagaya lang natin s'ya." Awat ni Fashia. "Yeah, right. Pero alam naman natin pareho na magiging kagaya lang natin s'ya kung wala s'yang kakayahan, hindi ba? Isa pa, being like us is bullshit!" asik naman ni Heina. "Heina—" "Wake up, Fashia. We are just pawns here. They want someone who could fight. At 'yon ang hinihintay nila kay Temple," nakatungo pero mariing sabi ni Heina. Hindi ko ipinahalata na interesado ako sa mga pinag-usapan nila pero ang totoo, nabitin ako sa mga sinabi nila. Gusto kong magtanong, pero masyadong mataas ang pride ko para gawin 'yon. Heina was right though. The students were provoking me because they wanted to see what I could do, what I was capable of. Hell yeah, gusto ko silang patulan kagaya ng lagi kong ginagawa noon, pero nagpipigil ako. It was not the same before na wala akong pakialam. Noon, maliit na bagay lang ay gumagawa na kaagad ako ng gulo. But this one was different. Hindi ko pa alam kung ano'ng klase ng eskwelahan ito. Hindi ko alam kung ano'ng klase ng mga tao mayroon dito. Kailangan kong mag-ingat. Ayokong maging kagaya ng intruder na 'yon na hanggang ngayon ay nakakulong sa isa sa mga detention rooms. Hindi ko na alam kung ano nang nangyari sa kanya. Wala na roon ang atensyon ko. Though, nagtataka pa rin ako kung bakit hanggang ngayon ay narito pa s'ya. Inilabas nga s'ya sa clinic, pero inilipat naman sa detention room. "Hi, ladies. Can we join you here?" Isang pamilyar na boses ang tumaginting sa likuran ko at kahit hindi ako lumingon, kilala ko kung sino'ng nagmamay-ari no'n. Paano ba namang hindi? Sa loob ng isang linggong pagpasok ko dito, araw-araw kong naririnig ang nakakairita n'yang pang-aasar. "Sure." I heard Fashia agree. Mabilis rin s'yang umusod para magkaroon ng space sa upuan. Hindi ako nagkomento. Pinakiramdaman ko lang ang pag-upo ng tatlong Student Council para maki-upo sa table namin. At dahil mag-isa lang ako sa kabilang side, sa tabi ko naupo sina Brusky at Kamko. Umikot naman sa harapan ang nakakairitang si Draven at doon naupo, katabi ni Fashia. Sa sulok ng mga mata ko ay napansin ko ang paglingon ng mga estudyante sa amin. Mukhang nakuha namin ang atensyon nila dahil tatlong ugok na ito. "So, how is it going, huh?" Draven asked. He was looking at me, so I guessed the question was meant for me. I didn't speak. Not even moved. "Uhm, Draven, kailan nga pala babalik si Creed?" Napansin yata ni Fashia ang pananahimik ko kaya bigla siyang nagtanong. "Tomorrow, he'll be back." Napaangat ang tingin ko sa naging sagot ni Draven. Ramdam na ramdam ko ang excitement sa boses n'ya at nasa mga mata n'ya rin ang kakaibang kislap. Tumaas ang sulok ng mga labi n'ya nang mapansing nakatingin ako sa kanya. Tinaasan ko lang s'ya ng kilay. "Get ready, Temple. Tomorrow, you will meet the demon of all demons." Tila naman nagbabantang bulong ni Brusky Holand sa tabi ko. He was using his husky voice again as if he was trying to scare me. That was lame and childish. Demon of all demons, huh. Crappy quote. "I'm not interested," sabi ko. Though part of me was curious to meet that guy. He had been a hot topic in school since I came. The Student Council, Fashia, and Heina talked and talked. I did not give attention at all. Another minute passed at walang paalam na tumayo ako para umalis. Kasabay naman noon ay naramdaman ko ang matinding kirot sa gilid ng ulo ko. Kasunod ay may kung anong malapot na likidong tumutulo mula doon. Wala sa loob na kinapa ko 'yon at naningkit ang mga mata ko nang makita ang dugo sa mga palad ko. "s**t," Lumingon para hanapin ang may gawa noon at isang lalaki ang nakita kong nakaupo hindi kalayuan. May nilalaro s'yang bola ng baseball at nakangisi sa akin. Walang duda, s'ya ang may gawa nito. "Temple! Are you okay? Oh, god. Come on, dadalhin kita sa clinic!" Narinig ko ang natatarantang boses ni Fashia sa tabi ko. Hawak na n'ya ako sa braso at inaalalayan palabas. Isa pang bola ang lumipad papunta sa akin at sumapol sa balikat ko bago pa ako nakaiwas. I gritted my teeth. That guy was really trying to piss me off. Kaunting pasensya pa, Temple. Kaunti pa. Huminga ako nang malalim saka ako muling humakbang palabas ng canteen. "Stop pretending you're weak, Strawford! Show us what you've got!" the guy shouted, which was followed by cheer coming from other students. "Don't mind them," Fashia whispered, voice shaking. Why am I letting them do this? If they were allowed to torture an intruder, I could hurt anyone, too, right? I am Temple Strawford. I am not weak. Marahan kong hinila ang braso ko na hawak ni Fashia. Nakita ko ang pagtutol sa mga mata n'ya pero kaagad ding nawala 'yon nang titigan ko s'ya. Bahagya pa s'yang napaatras. Dinampot ko naman ang bola ng baseball sa may paanan ko saka nakatungong humakbang patungo sa kinauupuan ng lalaki. I felt the blood flowing down from my head, pero binalewala ko lang 'yon. I just headed straight to that devil. Sa sulok ng mga mata ko ay nakita kong pinapanood ako ng lahat. Nang makalapit ako sa lalaki ay ngumiti ako nang matamis sa kanya. Ngisi ang naging sagot n'ya. Little did he know that that would the last smirk of his lips? Hindi ko na pinag-isipan ang sunod kong hakbang. Kasabay ng pagkawala ng ngiti sa labi ko ay mabilis kong ipinukpok ang bola sa baseball sa ulo n'ya. Nakita ko agad ang pagdaloy ng dugo doon. Now it's a tie. Mabilis s'yang tumayo para gumanti. Pero hindi ko na s'ya binigyang ng pagkakataon. Hinablot ko ang duguan n'yang ulo saka malakas ng inuntog sa lamesa. He was taller than I was and it would be chaos kung hahayaan ko pa siyang makawala kaya dapat lang na samantalahin ko ang pagkakataon. Nagdilim ang paningin ko. Hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil sa dugong lumalabas mula sa sugat ko sa ulo. Pero wala akong pakialam doon. Isa lang ang nasa isip ko. Ang turuan ng leksyon ang lalaking ito. Kailangang malaman n'ya na hindi ako basta-basta babae lang na pwede n'yang saktan at paglaruan kung kailan n'ya gusto. "Temple!" I didn't know kung sino ang tumawag sa pangalan ko. Hindi ko rin alam kung sino ang humawak sa braso ko. Ang alam ko lang, parang blangko ang isip ko at may sariling isip ang katawan ko. Malakas akong pumiksi para pawiin ang humahawak sa braso ko. At nang makawala ay muli kong hinarap ang lalaki. Gigil na gigil kong sinabunutan ang duguan n'yang ulo at sunod-sunod na iniuntog sa lamesa. He was not fighting back. Nakangisi pa s'ya na parang nag-i-enjoy sa ginagawa ko. Parang hindi n'ya dinaramdam ang sugat at dugo sa ulo n'ya. Lalo akong nanggigil. Naniningkit ang mga matang binitiwan ko ang ulo n'ya at binigyan s'ya ng malakas na suntok sa mukha. Bumagsak s'ya sa sahig. Pagkakataon ko na. Umupo ako sa ibabaw n'ya saka nagpakawala ng magkasunod na suntok. Mukha n'ya ang puntirya ko. Hindi ako tumigil sa pagsuntok. Sunod-sunod. Malalakas. Hanggang sa unti-unting humina. Unti-unting bumagal. Lalong nagdilim ang paningin ko. Nakaramdam na rin ako ng hilo. Isang huling suntok ang tumama sa mukha n'ya bago ko naramdamang bumagsak ang katawan ko sa sahig. Kasunod ay tuluyan na akong nawalan ng malay. The next time I opened my eyes, I saw Dr. Levesque smiling at me. I didn't have to ask where I was at all. I already knew na nasa clinic ako. Damn! I hated being here. It's reminding me of a painful memory. Mabilis akong bumangon, pero kaagad din akong napahiga nang maramdaman ko ang matinding sakit sa ulo ko. Napahawak ako sa sarili kong noo at nakapa ko ang bendang nakabalot doon. "Don't force yourself, Miss Strawford. Makakasama sa sugat mo kapag pwinersa mong kumilos." Lumapit sa akin si Dr. Levesque at inalalayan akong umayos sa pagkakahiga. I had no choice, but to follow his command. "I don't like here," sabi ko na nakasimangot. Ngumiti siya. "You know what? Ang ginawa mo ay parang isang virus na kumakalat ngayon sa buong eskwelahan. That's amazing." Hindi ako kumibo. "Ayaw mo bang malaman kung ano'ng nangyari sa binugbog mo?" mayamaya ay tanong ulit ni Dr. Levesque. Umiling lang ako. Wala akong pakialam kung ano man ang nangyari sa lalaking 'yon. Besides, sigurado naman ako na hindi ako ipapatawag sa Admin's Office para isuspende o i-kick-out, eh. Like Mr. Hontraver said, there was only one rule here. Hindi ko pa ganap na naiintindihan ang ibig sabihin noon, pero sigurado akong ang ginawa ko ay hindi lumabag sa rule na 'yon. Killing each other was absolutely not against that rule. Wala ngang nagtangkang umawat kanina, 'di ba? Ohh. May naglakas-loob naman pala. Hindi ko lang alam kung sino. "Temple, you're awake. How are you feeling?" Suddenly, I heard Heina's voice. Nakatitig s'ya sa mga mata ko nang lingunin ko s'ya. Parang pinag-aaralan n'ya ang hitsura ko. Malamang ay nasabi na sa kanya ni Dr. Levesque. Doctor nga s'ya, 'di ba? Sigurado akong napag-aralan n'ya na ang katawan ko kanina noong wala pa akong malay. "Ihatid mo ako sa dorm," sabi ko habang dahan-dahang bumabangon. Nakita ko nang tumingin si Heina kay Dr. Levesque na parang humihingi ng permiso. "That's fine. Nasa kanya kung ano'ng gustong gawin n'ya. Besides, I'm sure she'll be much okay kung naroon s'ya sa dorm. Just tell me if she needs something," sabi naman ni Dr. Levesque habang inaalalayan akong bumaba sa higaan. Marahan akong humakbang palabas ng pinto. "Temple, wait. You can't just leave all by yourself." After just a second ay naramdaman ko ang pag-alalay ni Heina sa bewang ko. "I can!" mariin kong bulong sa kanya, pero hinayaan ko na rin na alalayan n'ya ako. I had to set aside my pride for now dahil medyo nahihilo pa ako. Mga estudyanteng nagkalat sa paligid ang nakita ko nang makalabas kami ng clinic. They were staring at me again, but this time, those stares were different. They were smiling unlike before na para akong mikrobyo na pinag-aaralan ng mga titig nila. Why the sudden change? "Where is Fashia?" wala sa loob na naitanong ko habang mabagal kaming naglalakad. Nakakapagtaka lang na wala ang babaeng 'yon na simula nang dumating ako ay laging nakabuntot kahit pinapaalis ko na. "Iniwan natin s'ya sa clinic," sagot ni Heina na ikinalingon ko. Clinic? "Nagkaroon s'ya ng fracture sa left shoulder nang itulak mo s'ya. That's what she gets nang tangkain n'yang awatin ka." "What?" mahina kong tanong na hindi makapaniwala. Si Fashia ang umawat sa akin kanina at ngayon ay may fracture s'ya? s**t! "Is she okay?" "Yes. Natutulog s'ya kanina bago tayo umalis." Nilingon ako ni Heina at muling tumitig sa mga mata ko. Saka halos pabulong na nagsalita. "You're a devil." I know. "I'm just warning you, Temple. Sa lugar na ito, hindi sapat ang ginawa mo. There are more terrible things about here na hindi mo pa alam, na hindi mo pa nakikita. Kailangan maging handa ka. Lalo na ngayon at magiging opisyal ka na sa board na ito." Hindi ko na siya pinansin. Nahihilo pa ako ako para pagtuunan ng pansin ng kawirdohan niya. Dinala ako ni Heina sa dorm. Doon ay nahiga lang ako habang nakatitig sa kisame. Ngayon na lang ulit ako napalaban nang ganoon. Ilang araw rin pala akong bakante sa gulo simula noong dumating ako rito. Para tuloy nabuhay ang mga natutulog kong dugo. Nakakapagtaka lang na hindi lumaban ng lalaking 'yon sa akin. Sino ba naman ang tangang lalaki na hahayaang bugbugin s'ya ng isang babae, 'di ba? Pero 'yong ungas na 'yon, parang nag-enjoy pa sa nangyari. Napabuntong-hiningang napailing ako. Bakit ba masyado kong iniisip 'yon? Bumangon ako mula sa kama at dinampot ang cp ko. I dialed my father's number. "Hel—" "Why are you not answering your phone?" putol ko sa sinasabi n'ya. "Whoahh." I heard him giggled. Napatirik naman ang mga mata ko. Naiinis ako kapag tumatawa s'ya nang ganoon. Parang bata. "I was talking with your mom." "What?" Sumikdo ang dibdib ko sa sinabi niya. "I told her na lumipat ka na naman ng school," he said. "So, nagsumbong ka na naman," taas-kilay kong sabi. Lahat na lang ng nangyayari sa akin, sinasabi n'ya kay mommy. Madaldal na matanda. "She wants me to tell you something," sabi n'ya naman na binalewala ang sinabi ko. "What is it this time? Oh, lemme guess. She said, stay away from trouble, did she?" hula ko. 'Yon naman ang lagi kong naririnig mula sa kanya. Nakatatak na sa utak ko. "Yes. But this time is different. She's too serious." Nahimigan ko ang pagseseryoso sa tinig ni Daddy. I sighed. Did I really need to worry about something I should not? Hell no. "I will call you again, dad. Magpapahinga na ako. Bye." Hindi ko na hinintay na sumagot s'ya. Ibinababa ko ang cellphone saka akong muling nahiga. Stay away from trouble, huh? Trouble should stay away from me. Wala naman akong balak manggulo sa kahit na sino. Sila ang nanggulo sa akin. Was it my fault na mahal na mahal ako ng gulo? "Here," Tiningnan ko ang pagkaing ibinibigay ni Heina. Nakakatakam, pero wala akong gana kaya tinalikuran ko na lang s'ya. "I deserve a little thank you," she whispered. Sino ba'ng nagsabi na ipagdala n'ya ako ng pagkain dito? Hindi ko pinansin ang pagsisenti n'ya. I just closed my eyes and ignored her presence. Masakit ang ulo ko para bigyang pansin pa ang drama n'ya. "Pinag-uusapan ka ng lahat dahil sa ginawa mo. You just proved na nakakaangat ka sa mga pawn." Hayan na naman 'yang mga salita nilang 'yan. Nakakasakit lalo ng ulo mag-isip. Marahas kong ibinalot ang katawan ko sa comforter, silently telling her na ayoko nang makipag-usap. At salamat naman dahil naintindihan n'ya 'yon. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. I sighed and forced myself to sleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD