Dumaan ang ilang araw at gumaling na rin si Claud. Isang araw lang nagka-sakit ang hayup. Hah! Effective ang ginawa kong pagpapainit. Utut mo nga Ken. Hindi ako nahawa sa sakit niya. Ibig sabihin ba nun totoo nga ang saying na idiots don't catch colds? Walangya naman kung sino pa ang gumawa nun tagain ko ng butcher yan. "Hey. You're going already?" Rinig kong tanong ni Claud. "Oo! May kliyente kasi ako. Magkikita kami ngayong umaga." Sagot ko sakanya. Tinitigan niya ako ng ilang saglit. "Okay. Ingat." Bulong niya tsaka ako hinalikan sa labi. Whoa. Nakakakilabot. Bigla nalang naging sweet si Claud matapos yung nangyare. Tumawa ako ng mala-demonyo sa isipan. "Duhh. Can you please just go somewhere? Nakakalimutan niyo atang nandito pa ako." Si Alyssa na sumabat. Nakaupo siy

