"Ugh this is so boring." Nakataas ang paa ni Alyssa sa sofa habang nagce-cellphone lang magdamag. "Bat ka nga ba kasi andito?" Tanong ko. Bruha e hindi manlang ako sagutin ng maayos. May tinatago ba to sakin? Silang dalawa ni Claud? Marya hosefa. Nakaka-imbyerna na. "Do you really want to know kung bakit ako nandito?" Umupo siya ng maayos tsaka ako tinignan. I saw her smirk. "Cut that out." Tinakpan ni Claud ang kanyang mukha gamit ng twalya. "Agh! Damn you Claud." Tinignan niya naman ito ng masama. Ewan ko ba kung masasabing maganda o panget ang relasyon ng dalawang to, kahit ako hindi ko maintindihan. Nakakaurat sila tignan e. "Let's go." Si Claud. Pumunta na kami palabas ng apartment. As usual na naka-suit si Claud, ako naman ay naka-casual lang. Di uso uniform sa amin.

