"Espinosa!" Napatayo agad ako sa aking kinauupuan nang marinig ang sigaw ni boss. "Yes boss?" Lecheplan hindi pa rin ako makatayo ng maayos. Milagro ang makarating ako ng buhay dito sa office. Huhutaena Nilapag ni boss ang isang sobre sa desk. "Whoooo! Yehes!!! Payday payday payday!" Parang nawala ang sakit ko sa katawan nang makita yung most awaited scene ko. Ang makuha ang natatangi kong sweldo! Halos mangiyak-ngiyak na ako sa kakatrabaho sa kumpanyang yon. Nagka-sabog-sabog na yung utak ko pati katawan ko halos malasog. "Manok wag ka nga maingay." Nilingon ko si Denver na nakahilata sa desk. Hah! Walang kliyente ang hayup buti nga. Umupo ako at winagayway sa harap ni Den yung sobre, "nakikita mo ba to? Hah! Syempre makikita mo dahil may mata ka." Tumawa ako na parang baliw.

