Matapos kong sabihin ang mga hindi inaasahang kataga kay Alyssa. Nanatili naming pinagmasdan ang isa't isa. Napasandal siya sa pader at napabuntong-hininga. Nakakainis. Naiinis ako na sakanya ko pa nasabi lahat ng gusto ko sabihin. Of all people, ang bruhildang pa ito talaga ang nakaalam. Tinignan niya ako at dahan-dahan niyang tinuro ang likod ko. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko. "Turn around and look who's there." Nang sabihin niya iyon ay kinabahan ako. Putakte sino?! Sinong nasa likod ko?! Natatakot akong lumingon, ngunit kailangan kong malaman! Dahan-dahan akong tumalikod. Mistulang napatigil ang ikot ng aking mundo nang madatnan kung sino ang naroon. Nakita ko si Maxine na nakatayo sa hindi kalayuang distansya. Sa mukha niya palang ay halatang narinig niya na ang sina

