"N-Nandito si Eunice..?" Bulong ko. s**t na malagkit anong gagawin ko? Baka i-interrogate ako nun at tanungin kung sino ba ako sa buhay ni Claud! "Oh bat parang monumento ka dyan? Sinong Alyssa at Eunice? Gf mo tsaka kabet? Anong gusto mong kanta sa libing mo ako na mag-oorganize." Sunod-sunod na salita ni Denver. Hindi ko siya pinansin imbis ay tumingin kay Cindy. "A-ano daw kailangan nila?" "Aah? U-um.. hindi ko alam eh basta hinahanap ka.." Pautal-utal na sagot nito, "a-anong gagawin ko? Papaalisin ko ba sila?" "Gusto ko sana ibilin sayo yun kaso wag na. Ako na bahala sakanila, bumalik kana sa ginagawa mo." Ngumiti ako ng pilit kay Cindy at halatang napansin niya ang mapanlinlang kong killer smile. "S-Sigurado ka..? Okay ka lang ba?" Tumango tango ako, "oo naman! Sige

