Ken's POV "Ays. Ukininam.." Bulong ko. Napauntog nalang ako sa office desk. Magkaka-tumor na ako nito sa kakabalibag ng ulo ko. Mistulang mauulol sa kasalukuyang nangyayari. "Nababaliw na ako kailangan ko na ng therapist." Bumubuhos na ang luha ko sa isipan, kung hindi lang ako over umacting. "Baliw ka naman talaga." Sabat ni Denver. Itinaas ko ang aking tingin sakanya na nag cocomputer. "Tigilan moko Dendong. Inggit ka lang. Gumawa ka nalang ng origume mo." Walang gana kong tugon. "Correction, *origami." Pagatatama niya. "Utut. Yun kaya yung sabi ko. Bungol ka lang." Suminghap ako at nag-inat ng katawan. Stretch stretch. Kung pwede ko lang din banat-banatin ang utak kong kalaki ng bulak ginawa ko na. Bumuntong hininga ako, "putspa. Tengeneng buhay." Bumalik ako sa pagkaka-lay

