"EVERYONE standy by. Ilang oras na lang magsisimula na ang play," sigaw ni Lea. Kinakabahan kong tinignan ang phone ko. Tama nga ang sinabe ni Lea, ilang oras na lang at magsisimula na ang play. Nandito ako ngayon sa waiting room, nag-aantay na tawagin ako upang magsimula ang play. Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako kinakabahan. Kanina pang nangangatog ang tuhod ko sa kaba. Paano kung magkamali ako? Paano kung makalimutan ko ang mga lines ko? At kung ano ano pang negatibong isipin. "Kaya mo yan, Katherine," aniya ni Isaiah sa tabi ko. "Basta gawin mo lang ang prinactice natin. Wala ka ng dapat ikakaba." Maluha-luha ko siyang hinarap. "Why does it sounds so easy to you?" hindi makapaniwalang tanong ko. Habang ako rito ay maiiyak na ay chill chill lang ang kasama ko. He

