SA SUMUNOD na araw ay masama ang pakiramdam ko. Hindi ako nakapasok ng ilang araw dahil dito. Ang sabi ng doctor na tumingin sa akin ay dahil daw naulanan ako noong nakaraan kaya ako nagkasakit ng ganito ngayon. Nakapagsend na rin kami ng excuse letter sa school na hindi muna ako makakapasok ng panandalian.
Hindi ako sakitin pero kapag nagkakasakit ako ay pakiramdam ko ay mamatay ako. Mainit ang katawan ko ngunit nilalamig ako. Pinagpapawisan din ako at subrang sakit ng ulo. Buong araw lang akong nakahilata sa kama at hindi man lang magawang tumayo.
Napaungol ako nang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw dahilan upang magising ako. "M-Manang masilaw," reklam ko.
Hindi nagsalita si Manang. Hindi man lang nito isinara ang bintana. Kahit nahihirapan ay inimulat ko ang mata ko pero dahil nanlalabo ito ay ang bulto lang ng lalake ang nakita ko.
"Travis. Umalis ka nga sa kuwarto ko."
Si Travis lang ang naiisip kong lalaking papasok sa kuwarto ko ng walang pakundangan. Ilang beses ko na sinabeng huwag na huwag siyang papasok sa kuwarto ko pero napakakulit ng karantado.
Kahit nahihirapan ay kinuwa ko ang isang unan ko at inihagis ito sa kaniya. Hindi man lang ito nagcomplain sa ginawa ko na ikinapagtaka ko. "Hmn... get out."
"I can't believe you're sick yet you can still fight like this," natatawang saad ng pamilyar na boses. Naramdaman ko ang kamay nito na humawak sa noo ko.
Nangunot ang noo ko. Alam kong hindi iyon ang nakakairitang boses ni Travis. Gusto ko mang tignan ang taong nagmamay-ari ng guwapong boses na iyon ay wala akong lakas upang gawin iyon.
"Naku, Sir! Ako na po," boses ni Manang.
"No need. I will do it. Kaya ko naman po."
"Pero sir nakakahawa po ang lagnat ni Ma'am Katherine. Baka mahawa kayo."
"Its okay, Manang. I want to do this for her."
Hindi ko na muling narinig ang pag-uusap nilang dalawa dahil nakatulog na akong muli. Habang natutulog ay naramdaman ko ang malamig na bagay na pumupunas sa mga braso ko, leeg at noo ko.
Buong gabi akong binantayan ng estrangherong iyon. Isang gabi ay nagising ako dahil sa subrang lamig. Nanginginig ako kahit nakasuot na ako ng makapal na kumot.
Naramdaman ko ang mga brasong yumakap sa akin. Para akong naginhawaan ng maramdaman ang mainit niyang katawan. Lumapit ako sa katawan nito at mas dinama pa ang init ng kaniyang katawan.
Kinabuksan ay maayos na ang pakiramdam ko. Sa tingin ko ay wala na akong lagnat. Maari na rin akong pumasok sa wakas.
Hinawakan ni Manang ang noo ko. "Mabuti naman at wala ka ng lagnat, ija. Sigurado ka bang papasok ka? Hindi ka kaya mabinat nyan?" nag-aalalang tanong niya.
"Okay na po ako, Manang."
"Mabuti naman kung ganon. Buong gabi ka ring binantayan ni Elijah. Hanga rin ako sa batang iyon. Mukhang seryoso talaga siya."
Napahinto sa pagsubo ng almusal nang sabihin iyon ni Manang. "S-Siya po ang nagbantay sa akin kagabe?"
"Nakalimutan mo, Ija? Buong gabi kang binantayan ni Elijah. Ilang beses ko na iyong sinabihan na huwag na huwag kang lalapitan dahil baka mahawa kamo siya pero makulit iyon. Gusto niyang siya mismo ang magbantay sa iyo buong gabi."
Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ako makapaniwalang si Elijah ang nagbantay at nag-alaga sa akin kagabi. Pinamulahan ako ng maalala kung paano ako yumakap rito kagabe dahil sa subrang lamig.
Parang gusto ko na lang tuloy sampalin ang sarili. Nong nakaraan lang ay inaaway ko ito pero kagabe ay para akong linta kung makayakap sa kaniya. Nakakahiya!
"Siya nga pala." Inilapag ni Manang ang isang lunch box. "Paki bigay ito kay Elijah. Pasasalamat na rin natin dahil sa ginawa niyang pag-aalaga sayo kagabe."
"P-Pero manang m-may pera naman po iyon si Elijah k-kaya niya naman sigurong bumili ng pagkain niya kaya ako na lang po ang—" hindi ko na natuloy ang sinasabi ng samaan ako ng tingin ni Manang. Wala akong nagawa kung 'di ang pumayag sa gusto nito.
"KATHERINE!" sinalubong ako ng yakap ni Maye pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa gate ng school. "I miss you! Ang tagal mong hindi pumasok. Nakakainis ka! Wala na akong kasama maglunch dahil palagi kang absent! I'm lonely!" mangiyak ngiyak na sumbong sa akin ng kaibigan kong OA.
"Dramatic as ever," si Chersinia na napailing na lang ang kaOA-yan ni Maye.
Natawa lang ako at sinabayan rin ito sa drama niya. "I miss you too, Maye. Namiss ko ang pagiging madrama mo sa buhay."
Siya rin ang unang bumuwag ng yakap. "Kanina yan?" turo ni Maye sa lunch box na hawak hawak ko. Ito yong ipinapabigay ni Manang sa akin na ibigay ko raw kay Elijah.
"Para kay Elijah. Pinaabot sa akin ni Manang. Sabi niya ibigay ko raw kay Mang bilang pasasamalat sa pagbabantay sa akin."
Agad na angkatinginan ang dalawa kong kaibigan. Naintindihan ko agad ang nasa utak ng mga ito. Naipailing na na lang ako.
Nilibot ko ang paningin sa paligid. Umaasang mahahanap ko si Elijah. Hindi ko pa rin siya nakikita hanggang ngayon. Hindi ako sumabay ngayong pumasok kay Elijah dahil hindi nito alam na papasok ako ngayon.
Kinailangan na rin naming magpaalam kay Maye dahil sa tourism department pa ito habang business administration naman kaming dalawa ni Chersinia. Dahil pare-prehas kaming nasa ABM related course ay hindi magkakalayo ang room naming dalawa ni Chersinia sa room nila Maye.
"Hindi ko alam na nagkaayos na pala kayo," aniya ni Chersinia ng kaming dalawa na lang.
Ngumuso ako. "Kailan ba kami nagkaayos ng kupal na Elijah na 'yon?"
Natawa lang si Chersinia sa sinabe ko. "I almost forgot. Isaiah has been looking for you. Hinanap ka niya sa akin noong nakaraan. Sinabe ko namang may sakit ka kaya hindi ka nakapasok."
Hinanap ako ni Isaiah? Oo nga pala. Hindi pa itong nakakausap tungkol sa plano ko dahil na rin sa mga bwisit na kaibigan ni Elijah.
Nakarating rin kami sa classroom. Mabuti na lang at pinahiram ako ni Chersinia ng mga notes nito kaya kahit ilang araw akong absent ay nakasabay pa rin ako sa klase. Mabilis lang na natapos ang oras. Kagaya dati ay kasama ko na naman si Maye na maglunch habang si Chersinia ay nagpunta sa engineering department para sabayan ang boyfriend nitong si Oliver.
Hanggang matapos ang lunch ay hindi ko pa rin mahagilap kahit ang anino ni Elijah na labis kong ipinagtaka. Hindi ako sanay na hindi siya nakikita dahil palagi itong sunod sunuran sa akin. Hindi ko tuloy maibigay ang pinaaabot sa akin ni Manang.
"Mauna ka na, Maye. May kailangan lang akong puntahan," aniya ko.
Pumayag naman si Maye at hindi na nagtanong pa na ikinahinga ko ng maluwag. Mabuti na lang at hindi na ako nagtanong pa. Paniguradong kukutyain lang ako nilang dalawa ni Chersinia kapag nalaman nilang hinahanap ko si Elijah lalo pa at alam nila kung gaano ka-alergic don.
Nagtungo ako sa room nila Elijah. Sisilip lang sana ako upang tignan kung naro-roon siya ngunit agad akong nilapitan ng isa sa mga classmate niyang lalake na nakakakilala sa akin.
"Si Baldemor ba hinahanap, Ms.Ganda?"
Nahihiya akong tumango rito. "Nandyan ba siya? May ibibigay lang sana ako."
Sandaling nangunot ang noo nito. "Hindi niya ba nasabe na iyong nasa clinic siya? Pinapunta siya roon ng couch namin kanina dahik nilalagnat siya."
Nagulat ako sa sinabe niya. Nasa clinic ni Elijah? Pero bakit? Noong huli naman naming pagkikita ay mukhang okay pa ito. Akala ko ba matagal mamatay ang masamang damo?
"T-Talaga? S-Salamat. Sige, mauna na ako."
Nagmamadali kong tinungo ang daan papuntang clinic gaya ng sinabe ng classmate ni Elijah. Hindi ko alam kung bakit pero labis akong kinabahan noong malaman ko ang balitang na sa clinick siya.
"Aray!" napadaing ako ng tumama ako sa isang malaking harang. Lumagapak tuloy anf pwetan ko sa sahig dahil sa pagkabigla.
Tinulungan ako ni Isaiah na tumayo. "O-Okay ka lang, Katherine?" nag-aalang tanong niya.
Tumango naman ako. "Oo. Teka, bakit ka nga pala nandito? Malayo ang department niyo ah?" nagtatakang tanong ko.
Nayuko ito at napakamot ng sariling batok. "Inutusan ako ng isa sa mga teachers na dalhin ang mga activity sheets rito."
Pinanliitan ko siya ng mga mata, hindi naniniwala sa dahilan nito. "Huwag mo sabihing may nagbu-bully na naman sa 'yo?"
"H-Hindi," tanggi niya na sinamahan pa ng pag-iling. "Totoong pinapunta ako rito para magdala ng mga activity sheets.
Itinaas niya ang hawak na mga papel. Doon ko lang nakumpirmang totoo ang sinasabi nito. Mabuti namat at wala ng nambubully rito kung ganon. Siguradong yare sa akin ang kung sinong mambu-bully rito. Parang kaibigan ko na rin naman si Isaiah kaya hindi ko hahayaang may mang-away pa rito.
"Sige. Mauna na ako—"
Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko. "S-Saan ka nga pala pupunta?"
"Pupuntahan ko si Elijah. Narinig ko ay na sa clinic raw iyon. Mukhang mali ang sinasabi nilang matagal mamatay ang masamang damo," natawa ako dahil sa sariling kalokohan pero nahinto rin nang mapansin kong seryoso si Isaiah. "B-Bakit may problema ba, Isaiah?"
Bumuntong hininga siya. "Narinig ko kayong nag-aaway noong gabing ibinigay mo sa akin ang payong mo. Alam kong pinipilit ka lang ni Elijah. P-Pwede mong sabihin sa akin kapag mag problema ka, Katherine."
Natouch ako sa sinabe niya. Hindi ko alam na ganito pala siya kaconcern sa akin kahit pa sa maliit na panahon pa lang kaming nagiging magkaibigan nito.
Hindi ako makapaniwalang muntik ko ng gamitin ang inosenteng lalaking gaya ni Isaiaha para sa mga kalukohan ko.
"You don't need to be worried about me, Isaiah. I can handle myself. Anyway, I need go," paalaam ko rito.
Nagmamadali ko siyang tinalikuran. Ramdam ko ang pagsunod ng mga mata nito sa likod ko pero hindi ko na siya pinansin pa. Kailangan kong puntahan si Elijah!
Nang marating ko ang clinic ay katahimikan ang sumalubong sa akin. Hinanap ng mga mata ko si Nurse Anne na siyang naghahandle ng clinic pero hindi ko ito matagpuan sa kung saan.
Tuloy tuloy akong pumasok sa loob at hinanap ang katawan ni Elijah na hindi ko alam kung buhay pa ba. Isa isa kong sinilip ang mga higaan hanggang isang higaan sa dulo na lang ang natira. Nilapitan ko iyon at iwinaksi ang kurtina na naririto.
"N-Nurse Anne?"
Nagulat ako sa tagpong sumalubong sa akin. Naupo si Nurse Anne katabi ang mukhang natutulog na si Elijah. Nakadukwang ang dalaga sa walang kaalam alam na binata at tila binabalak nitong halikan si Elijah.
"A-Anong ginagawa mo?" Nangunot ang noo ko. Nagbalik balik sa dalawa ang paningin ko.
Parang may kung ano sa akin ang nagagalit dahil sa nakita ko. Kung hindi lang ako dumating ay naka tuluyan na nitong nahalikan ang fiancé ko.
Agad namang umayos ng tayo ang nurse at inayos ang kaniyang sarili. "Katherine," bati niya at ngumiti pa sa akin ng inosente. "Anong ginagawa mo rito? The last time I remember ay hindi naman kayo magka-ayos ni Elijah? Why are you here?"
Gusto kong matawa sa narinig. Nagpapatawa ba siya? Ang kapal naman yata ng mukha niyang ngumiti at kausapin ako ng friendly matapos ang nakita ko ngayon ngayon lang.
"Ikaw? Ano sa tingin mong ginagawa?" Lumapit ako sa kaniya. "Hindi ko inakalang trabaho na nang nurse ngayon na manghalik ng mga pasyente nito."
Nawala ang ngiti sa mga labi niya dahil sa sinabe ko. Tihikhim siya. "H-Hindi ko alam ang sinasabi mo, Ms. Buebos. Kung ano ano na lang ang nakikita mo. Siguro mas maganda kung magpatingin ka na ng mata."
Lumabas siya sa cubicle at niilagpasan ako. Inis ko siyang sinundan ng tingin.
"Oo ng pala," hinarap njya ako. "Friendly reminder lang. Pakibantayan na lang ng maayos ang fiancé mo. Baka sa isang iglap ay nasa kama na iyan ng ibang babae."