HANGGANG ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang pangalang iyon. Ang pangalang itinawag ni Doctora Echidna kay Isaiah Pamilyar na pamilyar ito sa akin. Para bang ilang beses ko na yong narinig noon pero kahit ilang beses kong pilitin ang sarili na isipin ay hindi ko magawa. Napahawak ako sa noo ko ng bigla itong kumirot. Mahina akong napadaing. Sumasakit na naman ang ulo ko, palaging ganito ang nangyayare sa tuwing pinipilit ko ang sariling alalahanin ang nakaraan. Napaupo ako sa kama nang sa wakas ay tumigil rin ang pagsakit ng ulo ko. Napabuntong hininga ako, tama lang si Isaiah, hindi ko na dapat pang pilitin ang sarili na makaalala. Ayokong may mangyare na namang masama sa akin at pag-aahanin ulit si Isaiah. Ayoko ng dagdagan ang problema nito, masyado na siyang maraming naitulon

