NAGPALIT ako nang damit at palihim na umalis sa venuu ng debut ko. Sinigurado kong walang nakakaalam sa pag-alis ko. I need some space. Kailangan kong makapag-isip isip tungkol sa mga nangyayare. I need a person to lean on but Elijah is nowhere to be found. Siya dapat ang magco-comfort sa akin sa ganitong panahon pero wala siya. Iniwan niya na ako. Hindi ko nga man lang alam kung nasaan ito o buhay pa ba siya. "Saan po tayo, Ma'am?" tanong ng driver nang makasakay ako sa taxi. Sinabe ko rito ang place kung saan namin balak na magkita ni Isaiah. Medyo malayo layo ang lugar na iyon pero okay lang basta makalayo ako sa lugar na 'to. Nakakasakal na ang lugar na 'to. Tinext ko si Isaiah at sinabe ritong papunta na ako, nagreply naman siya agad na aantayin niya raw ako sa place na napag-usapa

