"YOU look excited," komento ni Isaiah. "Minsan mo lang naman ako payagan kaya susultin ko na. Saan pala tayo pupunta?" tanong ko habang nagsusuot ng seatbelt ang kaso nga lang ay hindi ko alam kung sa paanong paraan ito isasara. Nasa kotse kami ngayon, sabi ni Isaiah ay magtutungo raw kami sa bayan upang bumili ng grocery, naubos na kasi ang stocks namin. Kaya super excited ako dahil ito ang unang beses na isasama niya ako sa labas. Ano kayang istura ng labas? Marame kayang tao? Ang sabi ni Isaiah ay marame daw masasamang tao sa labas kaya ayaw na ayaw niyang lumabas ako at makipaghalubilo sa ibang tao. Wala naman akong lakas ng loob na suwayin ito, ayoko siyang magalit. "We're going to the mall. Ibibili kita ng mga gamit na gusto mo," sagot nito. Nagningning ang mga mata ko dahil sa

