Makalipas ang isang buwan tuluyan na nga akung gumaling at medyo malaki na ang aking tiyan. Nandito lang ako sa bahay ni Khray o dikaya sumasama ako sa kanya sa kanyang opisina upang makasama siya pero umaalis naman ako at naglilibot sa buong building dahil sa nakaupo lang ako sa kanyang opisina at walang ginagawa. Pero ngayon iniwan niya ako dahil may pupuntahan daw ito mamaya at hindi ako pwedeng sumama dahil delikado daw. Nagpaiwan nalang ako dito kasama ang ibang tauhan niya. Wala dito sina Mikay at Keiry dahil nasa Paris ito upang asikasuhin ang ibang business nila doon. Ang sabi ni Khray sa akin may car race daw doon na sila ang sponsor kaya kailangan na nandoon si Keiry upang dumalo kasama si Mikay. Kahapon pa silang dalawa umalis at sa susunod na araw pa ang kanilang balik. Mal

