Mabilis kung tinapon ang heels ko ng makapasok ako sa kwarto ni Khray habang si Khray naman nakasunod sa likod ko. Hanggang ngayon nag-aalala parin ako sa lalaking banaril ko kanina. Kahit pa na sinabi sa akin ni Khray na may bullet proof ito nag-aalala parin ako. Totoo nga ang sinabi nila, kapag galit na ang nangunguna sayo hindi mo na alam ang magagawa mo. Maingat kung tinanggal ang maskara ko at basta nalang ito nilagay sa mesa tsaka ko naman narinig ang lag lock ni Khray ng pinto. Hindi na ako natakot sa nangyari kanina siguro dahil sa sanay na ako at expected ko na mangyayari na iyon. Dapat na akung masanay sa bagong buhay na meron ako, hindi na ako pwedeng magtagal sa labas dahil maraming mata ang nakabantay sa akin. Minahal ko si Khray ng buo kaya tanggap ko na ngayon ang magigi

