Muli kung sinilip si Sheraphin sa kanyang silid kung saan ang mga doctor lang ang pwedeng makapasok upang tignan ang kalagayan niya. Sa ngayon masyadong delikado ang buhay ng mag-ina ko lalo pa at nasa bingit ng kamatayan si Sheraphin. Machine nalang ang nagdadala ng buhay niya at kapag pinatay ang machine mamamatay siya. Pakiramdam ko matinding kalbaryo ang nararamdaman ko bawat araw na dumadaan habang hindi pa siya nagigising. Ang sabi sa akin ni Klark hindi nila masisiguro kung mabubuhay o magising paba si Sheraphin lalo pa at matagal na itong nawalan ng hininga sa ilalim ng tubig at marami na itong tubig sa katawan ng makuha siya. Isa ng himala kung mabubuhay pa siya ngayon. Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko sa sinabi sa akin Klark, pakiramdam ko kinuhanan ako ng buhay at ka

