Nakatulala ako sa malaking T.V na nandito sa sala habang bawat balita ay ako ang laman. Kahit saang channel ay mukha ko ang makikita mo. Hindi ko alam kung matutuwa o magagalit ako dahil alam na ng lahat na ako ang girlfriend ni Khray. Kung ganon si Khray nga mismo ang lumabas ng totoo, siya na mismo ang nagsabi sa lahat. Balitang-balita na si Sheraphin Anashi ay girlfriend ni Khray Eon Zxicyl ang tinaguriang Mafia Boss at The Beast. Mabuti pa si Khray dahil wala itong mukha sa balita, hindi siya nakikilala dahil isnag litrato lang ang meron siya, iyon ang naka maskara siya. Habang ako lahat ata ng picture ko sa internet nakuha nila. Balitang-balita ako sa Nycolite na umalis na dito at iniwan ang trabaho ko. Siguradong ako ang laman ng usapan ng mga tao ngayon. Kilalang tao si Khray kaya

