Nakatingin ako sa asawa ko na nakaupo sa kama habang humihigop ng sabaw ng lugaw. Isang linggo na ang nagdaan simula ng magising ito at sabi ni Klark unti-unting bumabalik na ang lakas sa kanyang katawan. Sa ngayon hindi na siya naka oxygen maliban nalamang sa dextrose na nasa kamay nito at wala ng naka konekta sa kanyang katawan. Nagpapasalamat nga ako dahil nagising ito at muling bumalik sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na mawala sa akin si Sheraphin. Malaki ang niliit nito na halos buto nalang siya at buntis pa ito. Medyo umuumbok na ang tiyan nito ngunit sobrang hina ng kapit ng kambal dahil sa walang resistensiya ang ina nila at na comatose pa. Pasalamat nalang ako dahil hanggang ngayon nakakapit parin sila sa mama nila at bumitaw dahil kung ilang araw pa ang lumipas m

