Nanatili akung nakaupo sa loob ng kotse habang nakikinig sa mga paalala ni Khray. Nandito kami ngayon sa parking lot ng Nycolite dahil hinatid niya ako kaya punong-puno ako ng paalala galing sa kanya. Kinakabahan nga akung pumasok kasi baka pag-uusapan ako sa loob. Kahit wala pa akung narinig na balita tungkol sa nalaman ni Vanxel kinakabahan parin ako kahit na sinabi sa akin ni Khray na huwag na akung mag-alala. Hindi ko lubusang kilala si Vanxel at kinakabahan ako sa pwede nitong gawin. Hindi lang pangalan ko ang masisira kundi pati ang malalapit kung kaibigan malalagay sa panganib. "Ate you listening Sheraphin?" mabilis akung napaigtad ng marinig ang boses ni Khray sabay tango ng sunod-sunod. "Your not listening Sheraphin," mahina akung napabuntong hininga dahil hindi naman talaga ako

