Nakatanaw ako sa labas ng office ko dito sa Spain ng maalala ko na naman ang sinapit ng asawa ko na ngayon isang buwan ng walang malay. Yes, isang buwan ng walang malay si Sheraphin at ilang machine na ang nakakabit sa katawan niya upang manatili itong buhay at mapangalagaan ang anak namin. Alam kung delikado ang kalagayan nilang tatlo pero hindi ko pwedeng hayaan na mawala sa akin ang anak ko. Sa loob ng isang buwan wala akung ibang ginawa kundi ang maghanap ng paraan at magdasal na sana gumising na siya. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba pero kailangan kung kayanin dahil kapag sumuko ako para ko naring iniwan si Sheraphin at ang anak ko. At kahit kailan kailangan kung huwag mawalan ng pag-asa na magigising si Sheraphin. Dahan-dahan akung umayos ng tayo at bumalik sa mesa ko up

