"Wait. Saan ka pupunta? I just wanna talk.” Sabi ni Dale habang hinuhubad rin ang sapatos at ginaya siyang isinawsaw rin ang mga paa sa tubig. “Hindi kita isusumbong kay Mark. I swear.” Itinaas pa nito ang kanang kamay.
“Ano pong pag-uusapan natin? May nagawa po ba ako kahapon? Kasi sir kota na po ako. Ayoko na pong masaktan.” Nakayuko lang si Elise na nagsasalita.
“No. I just wanna ask if you have beautiful maids in the house.” Nagulat si Elise sa tinanong ng binata at hindi kaagad nakapagsalita. “I mean, I saw someone here in your house before and I wanna know kung may magaganda kayong katulong sa bahay nyo or relatives nila Mark who happens to stay here for the meantime.” Paglilinaw nito.
“May tatlo hong katulong dito. Pang-apat ako since hindi naman ho nila ko kamag-anak. Sila Manang Linda, Tessie at Joyang po. Lahat ho sila kwarenta anyos pataas. Wala naman rin pong nananatiling kamag-anak sila Sir Anthony dito ngayon. Saan niyo ho ba siya nakita?” Unti-unting lumapit si Elise at inilapag ang sapatos sa isang tabi. Umupo rin ito hindi kalayuan sa kinauupuan ni Dale.
“I saw her here. Last night. I knew she had a problem. She kept on talking to the moon.”
Halos hindi iniintindi ni Elise ang sinasabi ng binata dahil tinititigan nito ang buong kaanyuan ng binata. Masaya ito habang nagku kwento.
“M-moon?” Pag-uulit ni Elise. Napaisip siya na baka siya ang nakita ni Dale kagabi habang naliligo. Hindi naman maiwasang mamula ang pisngi niya sa ideya na bahagyang nakita ng binata and katawan niya.
“Oh, bakit ka namumula? Kilala mo ba siya?”
Sasabihin na sana niya kung sino ang babaeng sinasabi ni Dale nang maisip niyang baka malintikan na naman siya sa magkapatid kapag bumida-bida pa siya kaya pinili niya na lang na manahimik.
“H-hindi po, Sir. Baka namamalikmata lang ho kayo.” Dali-dali siyang tumayo at tuluyan nang pumasok sa kwarto niya.
“Hindi naman siguro siya magsisinungaling sa alpha diba?” Sabi ni Dale sa sarili na kinukumbinsing makikilala niya rin ang babaeng nakita niya kagabi.
Makapangyarihan ang mga alpha. Sa bawat lugar sa Dark Hills (North, East, West at South Dark Hills) ay mayroong isang alpha na kinikilalang pinakamalakas na taong lobo sa buong lugar. Sa kaso ni Dale, natalo niya sa dwelo ang mga naghahamon sa kanya na gusting pumalit bilang alpha. Sa laki ng anyo niya kapag nagtaong lobo siya ay walang nakakatalo sa kanya sa buong East Dark Hill. Territorial rin ang mga taong lobo. Kaya naman, hindi sila basta-basta tumatapak sa teritoryo ng ibang lobo.
Biyernes ng umaga. Abala ang lahat sa paghahanda para sa house party. May mga darating na bisita mula sa South Dark Hill. At dahil sa mansyon ng mga Cruz gaganapin ang party, abala rin si Elise kasusunod sa mga pinag-uutos ng mga Cruz. Nilinis ang buong paligid, nilabas ang magagarang kasangkapan sa bahay at pinalitan ang mahahabang kurtina. Maselan raw ang mga taga Timog na taong lobo kaya ayaw nilang mapahiya.
Usap-usapan naman sa kusina ang mga taong lobo mula South Dark Hills. Nakikinig lang si Elise habang naghihiwa ng mga sangkap na gulay sa lulutuin nilang mga putahe.
“Alam mo, Joyang. Matagal-tagal na rin noong huling bisita ng mga taga South, ano?” ani Aling Linda na tinutulungan si Elise maghiwa.
“Oo nga. Wala pa si Elise dito nung huli. Kamusta na kaya si Bryan? Yung batang anak ng mga Marquez.” Sagot naman ni Aling Joyang habang naghahalo ng nilulto.
“Kasing tanda na siguro nila Elise at Mark iyong batang yun. Bali-balita rin na siya na ang alpha nila sa South.”
“Tama ka, Aling Linda. Parang kalian lang paslit pa sila ngayon, mga namumuno na ng mga grupo, ano? Ano kayang pakiramdam maging isang taong lobo?”
Maging si Elise ay nagtataka rin kung anong pakiramdam. Ang mga alipin at katulong kasi ay mga simpleng tao. Hindi sila nagbabagong anyo. Kaparusahan naman ang ipapatang sa isang household na umalila sa isang werewolf. Sa Dark Hills, dominante ang mga bampira at taong lobo sa mga tao. Dito sila ang pinagsisilbihan. Hindi sila pinandidirihan at kinatatakutan. Maliban na lang sa mga bampira. Hindi sila nilalapitan ng mga tao dahil sa takot.
Alas tres na nang matapos ang paghahanda. Nagtataka naman si Elise kung bakit nakabukas ang pinto ng basement niya. Dahan dahan siyang bumaba ng hagdan at kumuha ng piraso ng kahoy na pamalo. Ingat na ingat si Elise na humakbang at gumawa ng kahit anong ingay. Nang marating niya ang kwarto ay wala naming tao rito.
ELISE’S POV
Ano itong nakikita ko? Kahon? Ang laki naman. Parang ang bigat ng laman. Ang sarap hawakan ng pink na ribbon na nakabalot rito. May sulat pang nakalagay.
Hi.
Please wear this for the party later. I wanna see you. Magkita tayo sa batis mamaya.
Dale
Si Sir Dale?! Napasapo ako sa aking ulo. Tumambad sa akin ang isang nude color na beaded gown. Sa buong buhay ko, hindi pa ko nakakahawak ng ganito. Mukhang mamahalin. Bagay kaya ito sa akin? Tumingin pa ako sa loob at may sapatos at ilang pirasong make up pa na kasama. Deserve ko bang matanggap ang mga ito? Hindi. This is too much fir me. Malalagay lang ako sa peligro nito. Hindi ito dapat malaman ng iba, baka mabigbog lang ako ng mga Cruz. Pero wala naming mawawala kung isusukat ko, diba?
Hapit na hapit sa katawan ko ang gown. Wala itong strap at ang neckline ay sakto sa hubog ng dibdib ko. Nabigyang pansin din nito ang bewang ko pati ang balakang ko. Hindi nga lang ako kumportable sa mataas na slit sa kaliwang bahagi ng hita ko.
Tumingin ako sa salamin. Suot ang gown at high heels. Mukha akong prinsesa. Tumulo ang luha ko nang makita ang mga sugat at pasa ko sa mukha, braso at hita. Matakpan man ng make up ang mga pasa at sugat na ito, hindi naman mawawala ang sakit.
Napailing na lang si Elise at itinago ulit sa kahon ang damit at sapatos.
“Elise! Elise! Tulungan mo magbuhat yung DJ doon sa likod ng bahay!”
Narinig ni Elise ang taking ni Kristelle at dali-daling itinago sa ilalim ng kamang gawa sa dayami ang kahon.
“O-oo Kristelle. Palabas na rin ako.”
“While the preparations are ongoing, would you mind not going here? Ang hirap mo hagilapin e! Kapag party na, tsaka ka magtago rito, for all I care!” Yun lamang ang inabi nito at umorap paakyat ng hagdan.
Hindi maiwasang mapangiti ni Elise. Siya nga ang nakita ni Dale. Nakuha niya ang atensyon ng alpha ng East Dark Hill. Sana nga lang at hindi sya nagkakamali ng iniisip. Sa itsura niya, mukhang hindi siya nito magugustuhan.
8 PM. Isa-isa ng dumarating ang mga bisita mula sa East Dark Hills. Bali-balita na kaya inimbita ang mga taga South Dark Hills ay para bumuo ng alyansa laban sa West Dark Hill kung saan nagkakampihan ang mga taong lobo at bampira upang mang-agaw ng teritoryo.
Napuno ng ingay ang bahay ng mga Cruz ng gabing iyon. Ingay mula sa mga mahina at malakas nap ag-uusap ng mga taong bihis na bihis. Malalaman mong mga taong lobo ang nagkukumpulan kapag matitipuno ang mga katawan nila. Kilala ang mga taong lobo sa magagandang hubog ng kanilang mga katawan. Ibang klase rin ang awra na tinataglay ng mga ito. Pero iba talaga ang karisma ng isang alpha.
Lahat ay natigilan sa pagpasok ni Dale. Tanging ang classical music na lang mula sa DJ Booth ang maririnig dahil sa tahimik ng paligid. Kada dadaanan niya ay yumuyuko ang mga bisita tanda ng pagkilala sa kanya bilang alpha ng mga ito. Maayos ang buhok niya ngayon. Bagay ang buhok niyang undercut sa black tux na suot niya. Hindi rin maitago sa tuxedo niya ang matipuno nitong katawan. Isa nga siyang alpha, walang duda. Ang itaas naman ng kanyang buhok ay maayos na nakabagsak sa kanang pisngi. Itim na itim ang buhok nito. Kahit sinong babae sa lugar na iyon ay tutulo ang laway katitingin. Dumiretso siya sa mga kasamahan. Andun sila Mark, Jiggs at iba pa na talagang bihis na bihis. Para silang mga Greek Gods na nakakahiyang lapitan at magsasawa ka na lang titigan buong gabi.
Itinaas ni dale ang kamay, hudyat na ituloy nila ang kanilang ginagawa at hindi na kailangan pang huminto sa pagpasok niya sa hall. Binati niya ang may ari ng bahay at nagbow rin ang mag-asawa pabalik tanda ng respeto sa kanya.
“I hope it’s not a bother for the whole household, Anthony and Leona.” Sabi nia Dale habang kinukuha ang glass of wine na inabot ni Leona.
“No, the pleasure is ours, alpha. Feel free to use our house for your parties. Willing kami maging substitute dahil ongoing pa rin ang renovation ng kastilyo mo.” Sagot naman ni Anthony.
Nginitian lamang sila ni Dale at bumalik na sa pakikipagusap sa mga barkada niya. Tama naman si Anthony. Kaya dito ginaganap ang parties dahil ginagawa pa ang kastilyo ni Dale. Nasira ito nung nakipagdwelo sa kanya ang ilang mga taga East Dark Hill upang palitan siya sa pamumuno. Lahat naman sila ay umuwing talunan. Ang maganda sa kaugaliang ito ng mga taong lobo ay respeto. Respeto sa alpha dahil walang makakatalo sa kanya sa panahong ito, siya ang pinakamalakas. Kaya from time to time, may natatanggap na hamon si Dale pero hindi naman siya umaatras. Ang natutunan niya lang na leksyon ay huwag sa kastilyo niya gawin ang mga dwelo.
Hindi pa makalabas si Elise dahil sinarado ni Leona ang pintuan sa basement na kumokonekta sa loob ng mansion. Isa lang ang daan palabas at doon yun sa pintuang kumokonekta sa labas ng bahay sa may batis. Punung-puno iyon ng mga bisita sa mga oras na iyon at kailangan niya ng lumabas para kumuha ng makakain. Inilabas niya ang kahon na ibinigay sa kaniya ni Dale. Naisip niyang kukuha lang naman siya ng pagkain at babalik rin dito agad. Ang importante ay hindi siya ikahiya ng mga Cruz dahil mag-aayos naman siya ng kaniyang sarili. Kinuha niya ang ilang make up na andoon sa kahon. Inalala niya ang paraan ng pagaayos ng kanyang Mommy noong magkakasama pa sila sa West Dark Hills. Maayos naman ang kinalabasan ng pagaayos niya sa mukha niya. Kaunti lamang ang make up na nilagay niya – concealer at lipbalm lang. Sapat lang upang matakpan ang mga sugat at pasa sa kanyang mukha at katawan.
“Mas pagagalitan kasi ako kung lalabas ako nang madungis. Kaya okay lang naman siguro. Papasok rin ako kaagad dito.”
Lumabas si Elise mula sa basement at manghang-mangha sa dami ng tao. Tiningnan niya kung may nakapansin sa kanya na dumaan mula sa basement ng bahay. Mukhang busy naman lahat ng tao kaya pinagpatuloy na niya ang paglalakad.
Nakalahad ang buhok niyang itim na itim at alun-alon na hanggang pwet. Kaiba sa araw araw niyang itsura, nakaipit ang mahabang bangs sa likod ng mga tenga kaya nabibigyang pansin ang mukha niya. Suot niya rin ang gown at high heels na ibinigay ni Dale. Sukat na sukat sa katawan niya ang fitted gown at maging ang sapatos ay parang ginawa lahat para sa kanya. Nahihirapan man siyang lumakad ay hindi naman ito halata. Ramdam niya ang pagtingin ng mga tao sa paligid niya. Ang mga babae ay may matalim na tingin at ang mga lalaki ay parang gusto siyang kainin ng buhay. Parang gusto na niyang bumalik sa basement pero naalala niyang kumakalam na ang sikmura niya. Gutum na gutom na talaga siya at kailangan na niyang pumunta sa Dining.
Sinalubong ng lahat ang mga taga South Dark Hills sa entrance ng mansion. Matitipuno ang katawan ng limang lalaki. Ang nasa gitna ay tila kanilang pinuno. Matangkad rin ito kung tutuusin pero mas matangkad pa rin si Dale. Maganda rin ang pangangatawan nito. Ang apat pang kalalakihan ay walang binatbat sa itsura ng mga barkada ni Dale.
“Good evening, Marquez.” Bati ni Dale habang nilalahad ang kamay dito.
“Smith.” Yun lamang ang sinabi ng nasa gitna at tinanggap ang kamay ni Dale. Gwapo rin ito. Maputi at litaw na litaw ang kutis dahil sa blonde nitong buhok na may pagka-wavy. Halatang Spanish Mestizo ang lahi. Matingkad rin ang brown eyes nito. Lalo pang umangat ang kaanyuan nito dahil sa white tux na suot niya.
“Unang beses kong makadalo sa mansion na ito, lumipat ka na ba?” Tanong ng lalaking blonde.
“Nasira ang palasyo. Alam mo naman kung gaano kadugo minsan ang mga dwelo. I had to scrub blood from the walls and the guests wouldn’t like the smell there.” Sagot ni Dale na tila ini-intimidate si Bryan sa paglapit nito ng bahagya.
“Fair enough. Shall we talk about the alliance?” Nilingon nito ang isang lalaking kasama. Kasing tangkad at kasing ganda rin ng katrawan nito si Dale at may mahabang buhok na hanggang balikat. Agaw pansin rin ito dahil sa morenong kutis at itim na buhok.
“I am Fritz. Beta ng South Dark Hills. These are some of the evidence we gathered. Pictures yan ng mga biktima ng West Dark Hills. Hindi sila titigil hangga;t hindi nila nakukuha ang gusto nila.” Sabi ni Fritz habang inaabot ang folders kay Dale.
Huminga nang malalim si Dale habang binubuksan ang folders na inabot ni Fritz. Tumambad sa kanya ang pictures ng mga human experiments ng North Dark Hills sa mga kapwa nila taong lobo. Ang ilan ay wakwak ang sikmura at nakalabas ang mga bituka. Ang iba naman, puso at baga ang nakalitaw. Lahat ng mga ito ay nakasabit na parang mga baboy sa meat shop.
“What are they up to now?” Tanong ni Dale habang binabasa ang ibang detalye ng report.
“They want to develop hybrid werewolves.” Sagot ni Fritz.
“Hybrid?” Sabat naman ni Mark na nasa tabi ni Dale. Siya kasi ang nagsisilbing Beta ni Dale dito sa East Dark Hills.
“Hybrids are half werewolves and half vampire.”
“Have they succeeded in making one?” Tanong ni Dale.
Umiling si Fritz. “Hindi pa. Pero alam nating Malabo dahil base sa eksenang nakikita niyo, gumagamit sila ng ibang lugar to conduct the experiments para hindi maapektuhan ang mga residente nila. In this case, sa liblib na gubat nila ito ginagawa sa South Dark Hills.” Pagpapaliwanag nito.
“Totoo pala ang sabi nila tungkol sa silent alpha. Why am I talking to the Beta? What has the alpha got to say about this? I need to hear it.” Tinignan ni Dale nang matalim si Bryan na wala pa ring emosyon hanggang ngayon.
“Hindi gusto ni Bryan ang pakikipag-usap. Wala pa siyang kinausap na kahit sino sa loob ng sampung taon.” Ani Fritz.
“Well, even so. Welcome to East Dark Hills. I hope this matter is disclosed to leaders of the pact only. Ayoko ng gulo this eveni…” Natigilan si Dale nang makita ang isang babae sa Dining Hall. Tila namimili ito ng kakainin. Nakikilala niya ang gown na iyon dahil kapatid siya mismo ang pumili noon. Alon alon ang mahaba nitong buhok na umaabot hanggang pwet at nakakaturn on ang balakang nito. Hindi siya pwedeng magkamali.
“If you’ll excuse me. Enjoy the rest of the night. Mark, please show them around.” Bilin nito sa kaibigan at tsaka tumango kay Bryan.
Lalapitan na sana ni Dale ang babae nang buhusan ito ng juice sa ulo ni Kristelle mula sa likuran. Nagulat ang mga tao sa Hall.
“Once a trash, always a trash. Did you get this gown and shoes from my wardobe? Pathetic!” Sigaw ni Kristelle. Nagbulungan naman ang mga tao sa paligid at maging ang mga taga South Dark Hills ay nakatitig na rin sa komosyon.
“Binigay sa akin ito. Nasa kama ko to kaninang umaga.” Sagot ni Elise habang pinupunasan ang luha.
“At sino naman ang magbibigay sa iyo niyan?” Sabat ni Leona mula sa kabilang dako ng hall.
“Everyone. This is one of our slaves who took my daughter’s gown and shoved her way in to take some food.” Pagpapaliwanag ni Anthony. “Please don’t mind her. We will take care of this manner. Please, enjoy the rest of the night.”
“You really love making a scene, no? Well, hindi ka magtatagumpay, Elise.” Sabi ni Kristelle habang hinahatak ito sa braso. Nagpupumiglas si Elise nang may marinig na nagsalita sa harap nila.
“Elise? Ikaw yung babaeng tinutukoy kong nakita ko?” Si Dale. Nakatingin lamang ito sa kanya na tila nandidiri at hindi makapaniwala. “I should have known. Please don’t get the wrong idea.”
“Wrong idea?” napakagat ng labi si Elise.
“Yeah. I-I think I made a mistake. Please take that gown off. H-hindi yan para sayo. It should be for a werewolf, not a slave.” Bulong ni Dale habang tinitingnan kung may nakakarinig sa kanya. Hindi kasi maaari na sa tao magkaroon ng relasyon ang mga alpha na gaya niya.
“Bitawan niyo ko.” Mahinang sabi ni Elise.
“W-what?! The nerve!” Sinabi ni Kristelle at sinampal siya. “Sorry, alpha. Ako na ang bahala dito sa alipin na ‘to.”
“Sinabi nang bitawan niyo ako!” Tinulak ni Elise si Kristelle at tumama ito sa lamesa. Nagtinginan naman ang mga tao kay Kristelle na tila nanginginig at nagbabago ang kulay ng mga mata. Magbabagong anyo ito.
Inawat ni Dale si Kristelle at hinawakan si Elise sa pisngi at itinaas ito mula sa lupa.Nasasakal man ang babae ay hindi ito ibinababa ni Dale. Dapat kasi niyang turuan ito ng leksyon dahil alipin lang ito at hindi sila igagalang ng South Dark Hills kung makita ang eksenang ito.
“Slaves are not allowed to even look us in the eye, am I correct, Elise?”
Tumutulo ang luha ni Elise habang nakatingin sa ibaba. Hindi niya matanggap na ang lalaking naging mabait sa kanya sa kabila ng trato ng ibang mga lobo sa kaniya ay sasaktan siya sa harap ng maraming tao. Gusto na niyang lamunin ng lupa. Kahit siguro kalian ay hindi na siya makakaranas na tratuhin siyang tao. Gusto lang naman niyang kumain pero bakit humantong lahat sa ganito?
Natigilan si Dale ng may humawak sa braso niya. Dahilan upang kumawala si Elise sa pagkakahawak niya at natumba sa lupa. Umubo ito saglit pero bigla na lamang nawalan ng malay at humandusay.
“Get your hands off my Luna.” Sabi ni Bryan Marquez habang nagbabago ang kulay ng mga mata at nanginginig na sa galit. Nakikita na rin ang ilang piraso ng pangil sa kaniya at may aura nang lumalabas sa paligid ng kanyang katawan- hudyat na magiging lobo na siya.
“Luna?” Tanong ni Dale habang hawak ang kamay na may marka ng kuko ni Bryan. Hindi siya makapaniwala sa lakas ng isang alpha na ito.
Pumikit nang madiin si Bryan at nagulat ang lahat nang macontrol nito ang galit. Warewolves are known to be emotional beings. Minsan, sa sobrang negatibong emosyon, nagbabago sila ng anyo. Kaya naman, nakakabilib ito sa pagcontrol ng sarili.
Napaatras si Dale at hinayaan niya si Bryan na buhatin si Elise. Napatingin naman ang binate sa mukha ng dalaga. Maganda ito sa kabila ng mga sugat at pasa. Lalong nanginig ang panga niya sag alit.
“You are abusing her. She clearly doesn’t belong here.” Sabi ni Bryan habang buhat buhat si Elise sa malalaking braso nito.
“S-sir. We must explain, She’s a slave. She doesn’t need to be taken seriously.” Sabad ni Leona habang papalapit kay Bryan.
“Alam ba ng konseho na ganito niyo tratuhin ang mga alipin niyo?” Saad ni Fritz habang hinarangan ang kanyang alpha na may buhat na babae sa oras na ito. “Our race decided to coexist with normal people to defend them from vampires – hindi yung tayo pa ang aalipusta sa kanila.”
Tumango si Bryan at binuksan ang bibig, “Fritz, let’s go.” Tumalikod ito at natigilan nang maalalang dapat may sabihin siya kay Dale na naiwang nakatulala pa rin. “Smith, our deal is still in nego. I don’t want to be friends with… an abusive pact.”