PROLOGUE

1482 Words
PROLOGUE SANDALI AKONG napatitig sa sarili sa harap ng salamin. Suot ko ngayon ang lingerie na binigay sa'kin ni Mom para akitin ang bakla kong asawa. Tsk. Maganda naman ako, sexy at makinis ang katawan. Kaya lang parang wala paring talab 'to sa asawa kong lambutin. Minsan talaga nagdadalawang isip ako tungkol sa pagkatao niya. Baka naman kasi nagpapanggap lang siyang bakla— o baka naman bakla talaga siya. Halata namang gwapo siya at may asul na asul pang mga mata. Sa totoo lang, hindi naman siya gano'n kalambot sa paningin ko. Kung titingnan mo siya ng mabuti, maiisip mo talagang straight na lalaki siya, plus point pa na magkakakagusto ka sa kaniya dahil sa kagwapuhan niya. Quiff hair, thin lips, at ang pinaka-nakakaakit sa parte ng katawan niya ay ang mga mata niya. Pakiramdam ko kahit na ako, ang mahilig mang-akit — ay unang bibigay sa kaniya kahit titigan niya lang ako sa mata. Sa mga sinabi ko pa nga lang, maiinlove ka na sa maiimagine mo. Pero guguho ang mundo mo kapag nalaman mong lalaki lang siya sa panlabas, pero kapwa lalaki ang gusto niya. Gusto ko maiyak. Sayang kasi siya. Inalis ko na muna siya sa isip ko saka inasikaso ang suot ko. Pero sa kabila nang pag-aayos ay natigil ako ng maalala ang mga sinabi sa'kin ni Mom. Nagtataka talaga kasi ako kay Mom kung bakit sinabing kailangan ko siyang akitin. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa'kin 'yon. Oo, sabihin na nating pumayag siyang magpakasal sa'kin lalo na't arranged marriage lang ang nangyari. Pero... yung ganyan?? Bakla?! Naisip ba nilang hindi naman gano'n kadali 'yon?! Sinabi rin ni Mom na kailangan ko 'yong gawin para sa kaligtasan ko, at wala naman daw problema kung akitin ko siya dahil asawa ko na siya. Like, wtf?! Kelan pa naging safe ang isang tao dahil nang-akit siya?? Pumayag nalang din ako sa arranged marriage na 'to dahil masyadong boring ang buhay ko. Gusto ko ng thrill. Isa pa, gusto ko narin na may lalaking mag-aalaga sa'kin hanggang sa pagtanda dahil hindi naman na ako bumabata. Pumayag ako kasi alam ko sa gwapo nila ako ipapakasal! Pero hindi sa gwapong bakla! Arghh! Nakaka-frustate na 'to sa totoo lang. "Zia?" O. M. G! He's here na! Kumabog na naman ng malakas ang puso ko ng maalala kung bakit nandito nga pala ako sa CR at nag-aayos. Inayos ko pa ng konti ang buhok kong pinakulot ko pa sa salon. Saka ko kinapalan ang red lipstick sa labi ko. Namula naman ang pisnge ko nang makita ang kabuuan ko sa harap ng salamin. Naka-black b*a at panty ako na halos lahat ay laces lang ang palibot at kakarampot lang na tela ang bumabalot sa maseselan kong katawan kaya lantad parin ang balat na pinakatatago-tago ko. Extended din ang lace ng b*a hanggang sa taas ng puson ko kaya mas kumurba ang hugis ng katawan ko. Dahil sa black lingerie na suot ko, mas kuminang ang kaputian ng balat ko. Goodness! Ngayon lang ako magsusuot ng ganito sa harap ng lalaki. Kinuha ko na ang bathrobe at agad 'yon binalot sa katawan ko bago lumabas ng CR. Abot-abot ang kaba ko habang naglalakad palabas ng CR. Nang makita siya ay nakaupo siya sa gilid ng kama namin, magkakrus ang mga binti. Inaantay akong makalabas. Nagtama ang paningin namin at agad na namagnet ng asul niyang mga mata ang paningin ko. Sandali pa tuloy akong napatulala bago tuluyang lumapit sa kaniya. Napukaw naman ng mga mata ko ang suot niya. Naka pink business suit siya, samahan pa ng eww niyang striped scarf na nakapulupot sa leeg niya. Lihim akong napangiwi. Sayang naman ang kagwapuhan nito. Hays. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. At nang titigan ko siya ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang simple niyang paglunok. Kaya naman pinangningkitan ko siya ng mata, sinusuring mabuti. Lihim akong napangisi sa sarili. Hmm. Hindi ko pa nga tinatanggal yung bathrobe ko ganiyan na siya magreact. Paano pa kaya kung tanggalin ko na? Dahil sa reaksiyon niya ay mas nadagdagan lang ang lakas ng loob kong akitin siya. Ako ang unang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin. "May kailangan ka, Austen?" Nang-aakit ko siyang ningitian at pasimpleng tinamisan ang ngiti ng titigan niya ako. Konting-konti nalang talaga tatawanan ko na siya. Umiwas siya ng tingin sa'kin at kinagat ang sariling labi. "Are you flirting with me again, Zia?" Umakto akong nag-iisip. "Nope." Nakangiti kong sagot. Umupo ako sa sofa kaharap niya at nangalumbabang tinitigan siya, sinusubukan ang tapang niya. "I know you." Nakipaglaban din siya ng pakikipagtitigan sa'kin. Ngumiti ako ulit. "And I know you too. Alam ko namang hindi mo magugustuhan na landiin kita. Pero... siguro naman, papayagan mo 'kong akitin ka. Total, mag-asawa naman na tayo, 'di ba?" Dere-deresto kong sabi saka dinugtungan ng ngiti sa huli. Natahimik siya at napatitig sa'kin. Nakaawang pa ang natural na pula niyang labi na para bang hindi makapaniwala. "P-Parehas lang 'yon... " Tugon niya na para bang hindi mapakali. Napaiwas pa siya ng tingin sa'kin at parang pinipilit na huminga ng maayos. Napangiti ako ng matamis. Wala pa nga akong ginagawa nagiging ganiyan na siya. Gusto ko ng humalakhak. Hahahaha!! "Maybe, yes. Parehas nga. Pero para kasi sa'kin, ang paglalandi, nakikisabay ka lang sa ginagawa ng iba tulad ng nakikita mo para hindi nila masabing killjoy ka. Ang pang-aakit naman... " Tumayo ako at dahan-dahang tinatanggal ang pagkaka-tali ng bathrobe ko sa mismong harap niya. Parang napako ang paningin niya ro'n at hindi na siya nakakilos pa. Nang matapos sa pagkaka-alis ng tali ng bathrobe ko ay agad ko 'yong hinubad. Lumantad sa harap niya ang maputi at makurba kong katawan. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Napangiti na naman ako. "Ganito ang pang-aakit. Ibang level na." Ngumisi ako saka siya tinulak pahiga sa kama. Nahigit niya ang hininga ng agad ay patungan ko siya. Nakagat ko nalang ang sariling labi nang matitigan sa malapitan ang asul niyang mga mata. Ang ganda.... Halos kulang ang salitang 'maganda' para i-describe ang mga mata niya. Ngayon ko lang din napansin ang jawline niya. Parang nang-aakit 'yon na lapitan ko at halik-halikan. Bumalik ang paningin ko sa mata niya. Nakatitig siya sa mukha ko at kitang-kita sa kaniya ang pagpipigil sa sariling hawakan ako. Gusto ko na talagang matawa. Hay. Sumuko ka na kasi. Pakipot pa e. Ako malapit nang mapagod mag-isip kung papaano siyang maaakit. Kaya naman hindi ko na palalampasin ang oras na 'to. Tinitigan ko ang labi niya kaya dinilaan ko ang sariling labi na para bang naglalaway na akong makadikit doon. Bumalik ang paningin ko sa kaniya at unti-unti ko nang nakikita sa asul niyang mga mata na nagugustuhan na niya ang sunod pang mangyayari. Ngumiti pa ako ulit at agad na bumaba para halikan siy— "What the—" Sa isang iglap ay nagkapalitan na kami ng posisyon kaya hindi natuloy ang pagbalak kong halikan sana siya. Siya na ngayon ang nasa ibabaw ko habang nakatitig sa'kin ng mariin habang ako naman ay nagwawala ang puso sa kaba dahil ako na ang nasa ilalim niya! Goodness! Ganito pala ang feeling! Mukhang kita niyang kinakabahan ako kaya naman siya ang napangisi. Dahan-dahan niyang binaba ang mukha habang tinititigan ang labi ko... Di ba ganito naman ang gusto kong mangyari? Gora na yan! Kaya kahit abot-abot ang kaba ay pumikit nalang ako para hintayin ang labi niy— "Where did you buy this?" Sandali ko pa siyang pinakiramdaman pero parang wala naman siyang ginawa. Kaya dahan-dahan kong binuklat ang mata at kita kong hindi naman niya ako hinalikan. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Kakainis naman! Bumusangot ako saka umalis sa ilalim niya. Kunot-noo ko siyang nilingon. "Binili ang ano??" Iritado kong tanong. May dumaang emosyon sa mga mata niya pero hindi ko na 'yon napangalanan dahil agad 'yon napalitan ng tawa niya. "Why you look so irritated? I'm just asking." Saka siya napangisi na para bang alam niya ang dahilan kung bakit ako naiinis. Bwisit talaga oh! "Anong 'binili' nga eh??" Nagsisimula na akong magtaray at wala akong pakialam kung alam niya ang dahilan kung bakit ako naiinis! Ba't ko pa ide-deny e halata naman sa mukha ko. Tsk. "That lingirie." Turo niya sa lingirie ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Bakit, bibili ka din?" Napanguso naman ako sa sariling sinabi. Ano palang silbi nito kung yung mismong 'lingirie' ang gusto niya at hindi yung mismong 'nagsuot'. "I like it." Simpleng aniya habang nakatitig ng mariin sa mga mata ko. Ngumiti siya sa'kin dahilan para kabugin ng malakas ang puso ko! Omyy! Gusto niya daw na suot ko 'to— "I want to wear that too. Mukha kasing mas maganda sa'kin 'yan." Bigla akong natahimik. At napakurap-kurap. Pakiramdam ko ay tumigil sa pagtibok ang puso ko. At parang huminto sa pag-ikot ang mundo. At parang gusto kong sumigaw nang... ANOOOOOOOOOOO!!!??????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD