NAG-MESSAGE ako kay honey bunch na hindi ako susunod sa bahay nila dahil kailangan kong ayusin at tapusin ang mga kailangan kong gawin ng weekend. Naiintindihan naman ni honey bunch iyon dahil dalawang araw kaming mawawala nito. Pag-uwi ko ng bahay isinalang ko agad lahat ng damit na marumi sa washing machine habang nagluluto din ako. Yung mga kailangan sa school ay tapos ko nang ayusin noong isang gabi pa. Yung mga dito na lang sa bahay ang kailangan kong iayos pati na rin ang mga dadalhin kong damit. Sinabihan ko si honey bunch na magdala ng swimsuit dahil may sariling maliit na pool ang aming titigilan sa Tagaytay. Malaki ang nabawas sa pera ko, para sa lakad na ito pero balewala iyon basta makasama ko si honey bunch. Ewan ko ba bigla ko lang naisipan na mag out of town kami at sa kab

