Chapter 9

1926 Words
NAKATANGGAP ng message si Ekz mula kay Tatay Pedro. Ito ang address kung saan sila nanunuluyan. Maaga pa ring nagising ang binata kahit hirap siyang makatulog kagabi. Pagkagapos niyang mag - exercise ay nagluto na siya ng almusal. Pagkakain ay nag - shower na ito para makapag - ready na papuntang simbahan. Polo shirt, maong pants at tinernuhan ng sneakers. Cool na cool ang pormahan ni Professor Ekz. Kahit ano naman kasing suotin nito ay babagay sa kanya. Ten am mass ang inattendan nito para sakto pagkatapos ay tuloy na siya kanila Tatay Pedro. Pagkatapos ng mass ay dumaan muna siya sa isang kilalang bake shop para bumili ng cake. Wala naman masama kung magka - doble man ang cake ni Tatay Pedro. Habang nasa byahe papunta sa village nila Tatay Pedro ay di nito malaman ang nararamdaman, excited na kinakabahan. Kaya kumanta kanta na lamang siya para mawala ang anumang unusual na pakiramdam. Hindi naman siya nahirapang hanapin ang bahay. Actually na-i-waze niya ito. Ipinarada nito ang sasakyan at saka nag doorbell sa malaking gate. Agad naman na may lumabas para buksan ang gate. "Happy birthday po Tatay Pedro!" bating bungad ng binata. "Salamat iho! Ipasok mo na 'yang sasakyan mo.. Malaki parking dito." Ani Tatay Pedro sa binata. "Sige po Tay, salamat po," binuksan naman ni Tatay Pedro ang gate na malaki para makapasok ang sasakyan ng binata. Pagkababa ng binata, iniabot nito kay Tatay Pedro ang kanyang nakabalot na regalo. At siya na ang nagbuhat ng dala niyang cake na para pa rin sa kaarawan ni Tatay Pedro. Si Nanay Rosing naman ay abala sa pag - aayos ng hapag kainan. Tumulong din si Wyeth pero umakyat na muna sa kwarto ang dalaga para magbihis. Ang daming handa ni Tatay Pedro kahit aapat lang sila. Dahil inimbitahan nito si Professor Ekz. "Magandang araw po Nanay Rosing," bati nito sa butihing asawa ni Tatay Pedro pero ang mata ay parang may hinahanap. "Magandang araw din Sir! Umakyat lang pp si Wyeth. Pababa na rin po iyon," tugon naman ni Nanay Rosing. "Ekz na lang po Nanay Rosing. Ito po ang cake," abot nito kay Nanay Rosing para maiayos na rin sa lamesa. Sakto walang cake na nasa hapag - kainan. "Salamat Ekz, nag - abala ka pa. Maupo ka muna. Ayusin ko lang ito at ng tayo ay makakain na." Wika nito kay Ekz. "Masaya ako na pinagbigyan mo ang imbitasyon ko sa iyo. Dati kaming dalawa lang ni Rosing ang laging magkasama. Naging tatlo ng dumating si Wyeth kaya sumaya at may iba na kaming nakaka - usap. At ngayon, apat na tayo kaya masaya talaga ako at may kabaro na ako dito. Hahaha." Sambit nito kay Ekz na kitang -!kita ang kasiyahan nito. Ilang sandali pa ay pumasok na ng komedor ang dalaga. Napatayo naman bigla si Professor Ekz pagkakita sa dalaga. "Hi, good day!" bati nito sa dalaga na ngumiti pa. "Hello Prof! Mabuti po nakarating po kayo. Excited po si Tatay Pedro sa pagdating ninyo," tugon ng dalaga dito. Sa isip ni Professor Ekz, "akala ko ikaw ang excited," ngiti na lang ang naitugon niya sa dalaga. Naka - suot ito ng red dress na A cut at lagpas lang ng tuhod ang haba. Maiksi lang ang sleeve nito kaya kita ang kaputiang taglay ng dalaga. Wala itong anumang kolorete bukod sa powder. Mahahalina kang pagmasdan ang natural na ganda ng dalaga. "Andyan na pala si Wyeth, tara simulan na natin ang kumain. Ako na ang mag-li-lead ng prayer para maipagdasal ko ang aking asawa. " Wika ni Nanay Rosing. Nagdasal nga muna sila bago magsimulang kumain. " Ekz feel at home, kumain ka ng marami. Uubusin natin ito! " Ani Tatay Pedro. Tahimik lamang si Wyeth habang kumukuha ng pagkain niya. Ganoon din si Professor Ekz. Pagkakuha ng pagkain ay nagsimula na silang magsikain. " Wow ang sarap naman po ng mga inihanda po ninyo lalo na itong shanghai, " anas ni Professor Ekz. Napatingin pa si Nanay Rosing kay Wyeth bago ito sumagot. " Naku Ekz, si Wyeth ang gumawa niyan! Pati itong ibang putahe siya rin nagluto." Pagmamalaking sagot ni Nanay Rosing na nakangiti sa dalaga. "Nanay Rosing sinunod ko lang po ang sinabi ninyo kaya nakuha ko po ang timpla ninyo, " sagot naman ng dalaga na namumula ang mukha na tila nahihiya at may naka appreciate sa gawa niya. " Masarap talaga, kung ikaw Miss Billanueva ang gumawa nito, good job! " Nakangiting baling nito sa dalaga. " Prof baka pwedeng Wyeth na lang po, nasa labas naman po tayo ng school. Salamat po kung nagustuhan po ninyo. " Sagot naman ni Wyeth na naka ngiti din sa binata. "Ekz pwede kang mag - uwi niyan madami pa sa refrigerator. Ikaw na lang ang magpiprito." Sabi ni Nanay Rosing. "Nakakahiya naman po, nakikain na magbabalot pa," sagot ng binata. "Uso na iyan ngayon Ekz, " natatawa pa si Tatay Pedro. Kaya napakunot ang noo ni Ekz. "Ang gustong sabihin ni Tatay Pedro mo uso na kasi ang mga sharonian kapag may okasyon. Pero hindi ka naman kasali doon dahil kami naman nag - offer sa iyo. Pati itong ibang ulam baka magustuhan ng family mo." Saad ni Nanay Rosing. "Naku Nanay Rosing, mag - isa lang po ako sa apartment. Hindi ko po mauubos ang mga iyan." Ani Ekz . "Bakit iho, nasaan ang pamilya mo?" tanong naman ni Tatay Pedro. Si Wyeth tahimik lang na nakikinig habang paminsan minsang sumusubo. "Nasa Manila po sila," tipid na sagot ng binata. " Wala kang pamilya dito?" tanong muli ni Tatay Pedro. " Wala po Tatay Pedro. Nangungupahan lang po ako dito at pinalad na dito po makapag - trabaho." Anas ng binata at saka kumain muli. Totoong nasarapan siya sa mga nakahain na pagkain. Namiss niya ang mga luto sa bahay nila. Syempre ang luto niya ay mga patsamba lang kahit nanonood pa siya sa you tube. Dahil tipid ang sagot ng binata, hindi na muling nagtanong ang mag-asawa. Kumain na lamang sila. Pagkatapos kumain, nagyaya si Tatay Pedro na pumunta sila sa likod ng bahay. Mayroong garden doon at may naka - ready na videoke. Ito daw ang libangan nilang mag - asawa kapag walang magawa o tapos na ang gawain nila sa malaking bahay. Sumunod din si Wyeth dahil tinawag siya ni Tatay Pedro. Ayaw niyang maging kill joy at wala namang masama at birthday nito. "Umiinom ka ba Ekz? Meron akong alak diyan, pwede tayong shu-myat," ani Tatay Pedro. "Kaunti lang po Tay," sagot ng binata. "Sige. Rosing pakilabas naman dito noong alak kong nakatago sa kwarto natin," pakisuyo nito sa asawa niya. "Mic test, check mic," si tatay Pedro habang tinetest ang microphone. Umupo na rin si Wyeth sa kalapit na upuan ni Professor Ekz. Gusto man niya itong kausapin ay nahihiya siya. "Where is your parents?" Tanong ni Ekz kay Wyeth kaya napalingon ang dalaga dito, para kumpirmahin kung siya nga ang kausap nito. "Nass Manila po sila Mommy at Daddy," sagot ng dalaga. "Oh I see, do you have siblings?" muling tanong nito. Siguro para maging kampante sila sa isa't isa. "I'm only child po," anas nito. "How about you po Sir, do you have siblings?" ganting tanong ni Wyeth. "Yes I have an older brother and I'm the youngest. He stayed with my parents." Ani Ekz. "Please erase the word po, masyadong nakakatanda. I'm three years older than you." Dugtong pa nito. Natawa tuloy si Wyeth sa huling tinuran ni Ekz "Okay po," sagot nito. At ng maalala natawa itong muli at inulit ang sagot. "Okay Sir." Napapalagay na ang binata kasama ang tatlo. "Anong kakantahin mo Ekz," si Tatay Pedro. "Di po ako kumakanta Tatay Pedro. Makikinig na lang po ako." Saad ni Ekz. "Ito si Wyeth ay magaling kumanta. Member ito ng choir noong nasa elementary pa ito." Ani Tatay Pedro at proud na proud habang sinasabi ito. "Tatay Pedro matagal na po iyon bata pa po ako noon." Palusot ni Wyeth ang totoo nahihiya kasi siya kay Professor Ekz. "Pagbigyan muna ang birthday celebrant, tayo lang naman ang nandito." Sabat ni Professor Ekz na mukhang palagay na ang loob. "Sige Sir kakanta ako pero kakanta ka rin? It should be a deal para lahat tayo kakanta. Apat lang naman tayo dito." Sagot ni Wyeth dito. Mukhang nagkamali si Professor Ekz at ngayon bumalik sa kanya ang hamon. " Okay sige, bahala na lang kayo kung mabasag ang eardrums ninyo." Pag-sang-ayon ng binata na may kasamang pagbabanta. " Sige paikot ang mic, una si Wyeth sunod si Rosing, tapos ako at huli si Ekz. Pagkatapos balik uli sa iyo iha." Paliwanag ni Tatay Pedro. Lumabas na rin si Nanay Rosing na dala ang alak kasama na ang yelo at mga shot glass. " Tay pwede naman po akong uminom, dito lang naman po ako sa bahay. Saka birthday naman po ninyo kaya please payagan na po ninyo ako," pagmamaka-awa ni Wyeth para mapayagan siyang uminom. " Sige kaunti lang." Ani Tatay Pedro. Nagsalin agad si Wyeth ng alak at di na pinatagal ay tinungga agad. "Pang - alis ng kaba," anas ng dalaga. Natawa lang si Ekz sa dalaga. "O siya kumanta ka na, ako pipili ng kakantahin mo, dedicated ito sa amin ni Nanay Rosing." Wika nito at tinipa na ang number code para sa kanta. Maganda nga ang boses ni Wyeth napapalakpak din si Professor Ekz. "Nice voice! Dapat pala pinursue mo pala ang pagkanta." Anas ni Ekz. Nang dumating ang turn ni Ekz, nahiya pa ito dahil mukhang praktisado daw ang tatlo at siya ay di man lang kakalahati sa mga ito. "Parang ayaw ko ng sumubok ah, hindi po ako singer pero dahil birthday mo po Tatay Pedro I will give my best. Ehem, ehem." Panimula ni Ekz. Kaya nagtawanan pa ang mga audience. Tumahimik din ng magsimula ng tumunog ang pyesa ng kakantahin ng binata. Tulad Mo by: TJ Ano ang 'yong pangalan? Nais kong malaman At kung may nobyo ka na ba? Sana nama'y wala 'Di mo 'ko masisising sumusulyap palagi Sa 'yong mga matang, oh, kay ganda, oh, binibini Oh, ang isang katulad mo Ay 'di na dapat pang pakawalan Alam mo bang 'pag naging tayo Hinding-hindi na kita bibitawan? Aalagaan ka't 'di pababayaan 'Pagkat ikaw sa 'kin ay prinsesa Oh, magandang diwata, sana'y may pag-asa Pag-ibig ko'y aking sinulat at ikaw ang pamagat Sana naman ay mapansin, himig nitong damdamin (ikaw lang) Na walang iba pang hinihiling kundi ikaw ay maging akin Oh, ang isang katulad mo Ay 'di na dapat pang pakawalan Alam mo bang 'pag naging tayo Hinding-hindi na kita bibitawan? Aalagaan ka't 'di pababayaan 'Pagkat ikaw sa 'kin ay prinsesa 'Di ako naglalaro ('di naglalaro sa 'yo) 'Di ako nagbibiro (pagbigyan mo) Pagbigyan mo lang, sinta (pagbigyan sa 'yo) Nang sa 'yo'y mapakita Na ang isang katulad mo Ay 'di na dapat pang pakawalan Pangako ko, 'pag naging tayo'y Araw-araw kitang liligawan Oh, ang isang katulad mo (sa isang katulad mo) Ay 'di na dapat pang pakawalan Alam mo bang 'pag naging tayo Hinding-hindi na kita bibitawan? (Hindi na) Aalagaan ka't 'di papabayaan (aalagaan, ikaw) 'Pagkat ikaw sa 'kin ay prinsesa (prinsesa) Prinsesa (prinsesa) Prinsesa (prinsesa) Prinsesa (prinsesa) Tulad mo "Maganda naman pala ang boses mo Ekz, kunwari ka pa.. Para ba sa girlfriend mo yung kinanta mo?" saad ni Tatay Pedro. "Hindi naman po, bumagay lang po siguro ang boses ko o maganda po ang tunog ng mic." Sabi nito. "Saka wala po akong girlfriend.." Napasulyap pa ito kay Wyeth ng sumagot kay Tatay Pedro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD