UMALIS NA kami sa Picnic Grove para pumunta sa Antonio’s restaurant para sa lunch namin ni honey bunch. After pa nitong lunch ang check-in namin sa hotel. Pinag-buksan ko ng kotse at inalalayan si honey bunch pagdating namin sa restaurant. After kong sabihin sa waiter na may reservation kami ay sinamahan niya kami papunta sa reserved table para sa amin. Dahil i-pe-prepare pa ang food ay nag – pasya kaming mag-ikot sa place at mag – picture picture. Naka-akbay pa ako sa kanya ng may masalubong kami na mag-asawa. Huli na para alisin ko ang braso ko na naka – akbay kay honey bunch. Kung kami ay natigilan ni honey bunch ang kaharap naming ngayon ay naka – ngiti naman na parang sinasabi na ay “Sabi ko na nga ba!” pero hindi niya iyon ibinulalas. “It’s a small world, lovers! Nice to see you bo

