"GOOD MORNING CLASS!" bungad na bati ko sa kanila. "Listen carefully, I have here the new seating arrangement. From now on until this semester ends, this will be your permanent seat. Look at the screen to know where to sit." Pagpapatuloy ko dito. Mayroon kasing smart television dito na siyang ginagamit namin sa pagtuturo. Naka saved na sa USB kaya naman makikita na nila kung saan sila dapat umupo. Samu't sarong bulungan ang narinig ko dito. Si Wyeth ay pasimple kong tiningnan pero wala akong nakuhang reaction dahil hindi niya ako tinitingnan. Hindi rin siya umuimik. Alam na kaya niya na ako ang nagtext kagabi? Wala akong natanggap na reply mula sa kanya. " Is there any problem class? " Tanong ko sa mga nagkakamuya kong estudyante dito. Maganda dito para may makilala naman silang iba at

