NAGMISTULAN AKONG NAGING BATA na inagawan ng candy, hindi ko maitago ang nararamdaman ko ngayong buong maghapon. Pagkatapos ng nakakbiglang pangyayari sa paaralan, hanggang sa maipakita ang kabuuan at ngayon nandito ako sa bahay nila honey bunch, hindi ko na alam kung ano pa ba dapat kong maramdaman. Bumuhos na ang lahat ng emotions na meron ako at hindi ko na kayang itago. Pagkatapos ng madamdaming tagpo naming ni Daddy ay niyaya ko siya sa bahay ng aking girlfriend para maipakilala ko siya. Ang tagal bago may nagbukas sa akin ng gate, hanggang sa lumabas na si Tatay Pedro. “Tay, kumusta na po si Wyeth?” tanong ko sa kanya. “Umalis na si Wyeth, Ekz. Sinundo siya ng mga magulang niya kaninang pag-alis mo,” malungkot na turan ni Tatay Pedro. “Hindi ako naniniwala Tatay Pedro, pinag-baba

