MAS NAUNANG DUMATING sa bahay sila honey bunch dahil dumaan pa kami ni Tatay Pedro sa bahay. Nagsisimula na silang maghanda ng mga rekado na kakailanganin ng pumasok kami sa kusina. Tutulong daw si honey bunch sa paggawa uli ng shanghai. Gusto niya daw ito kaya nag request siya kay Nanay Rosing. At dahil gusto niya ay siya ang abala. “Hon gusto mo ba na tulungan kita dyan sa paggagayat mo?” alok ko dito. Nag – isip pa ito kung papayag. “Hmmm pwede naman basta ako ang magtitimpla, sige ikaw na maggayat nitong carrots na nabalatan ko.” Sabi nito sa akin. “May chopping machine tayo dyan iha, iyon na lang gamitin para mabilis.” Wika ni Nanay Rosing. “Nay mas gusto ko pong traditional way ano nga po bang term doon? Ay manu mano, iyon po ang gusto ko. Saka si Ekz naman po ang maggagayat kay

