HINDI NA KAMI nakapag-usap ni Vincent dahil parehas kaming may klase after ng kay Ma'am Bartolome. Mabilis lumipas ang oras. Huling subject ko na, si Ma'am Cruz na ang professor ko dito. Naalala ko ang bulaklak hindi ko pa ito nababalikan sa classroom namin sa second subject ko. Wala man pag-asa si Vincent, hindi ibig sabihin bale wala na yung bulaklak. Binigay niya sa akin iyon kaya dapat pahalagahan ko. Maagap kaming pinalabas ni Ma'am Cruz, baka wala pa sa sasakyan niya si Professor Ekz kaya nagpasya akong balikan ang flowers. Hinihingal pa ako ng marating ko ang classroom na pinag - iwanan ko ng bulaklak. Shocks! Wala na sa ilalim ng upuan ang bouquet na bigay ni Vincent. Nalungkot naman ako. Sadyang nakalimutan ko lang. Nakakahiya kay Vincent baka makita niya na iba na ang

