KAGABI pa nagsimula ang pag-ulan pero wala pang balita kung may pasok o wala. Hindi kami nagkita ng boyfriend ko kahapon except sa mga subjects ko na siya ang professor. May meeting ang faculty after five o'clock. Kaya hindi siya nakapunta dito sa bahay. Gabi na ng matapos ang meeting nila. Tinawagan naman niya ako kagabi para kumustahin ang pag-uwi ko. Wala namang problema tulad pa rin naman ng dati. Hindi ko rin naka-usap si Vincent dahil absent ito. Narinig ko sa mga kaklase ko na may sakit daw ito kaya nag-aasaran na baka kailangan daw ng yakapsul at kispirin. Alam ko na ako ang pinaparinggan nila pero wala akong panahon para i-entertain iyong ganoong isipin. Wala kaming relasyon ni Vincent kahit na sabihin na nililigawan niya ako. Alam kong narinig din ni Ekz iyon pero nagkibit-b

