SOFIA POVS Isang buwan lumipas naging tahimik naman ang buhay namin lahat. Hindi na tuloy ang kasal namin noong nakaraan dahil maraming problema kinaharap si Seb. Kami lang dalawa ni Yuna dito sa bahay. Malaki na rin ang tyan nito. Na inggit ako dahil nauna pa ito nabuntis sa akin. Siguro nga hindi pa para sa akin. "Sofia, ayos ka lang ba, bakit ang lungkut mo?" tanong nito sa akin. "Wala na inggit lang ako, sa'yo. Malapit ka na manganak." " Alam, mo hindi ka dapat ma inggit sa akin. Sa totoo lang ako yung na inggit dahil na sa'yo na ang lahat. Ikaw may lalaking nagmamahal sa'yo. Samantala ako wala, kaya mas nainggit ako sa'yo, " malungkot nitong turan. Kaya niyakap ko na lang ito sabay haplos ng kanyang likod. " Huwag kang mag-alala nandito lang ako. Ituring mo na

