KABANATA 6

2007 Words
SOFIA POVS "Lord' anong dapat kong gawin upang maka'alis sa lugar na ito. Hindi ako nababagay sa mundong kung saan ako ngayon . Tulungan nyo, naman po, ako at huwag nyo, ako pababayaan," mahina kong dasal sa panginoon. Nanghihina na rin ako sa pagkatali ni Seb sa akin. Kahit tubig hindi ako binigyan ng lalaking iyon. Wala naman ako kasalanan at hindi ako ang kumuha ng relo nito. Ngunit bakit pinipilit nya na ako ang kumuha. Hindi nagtagal bumukas ang pinto at pumasok roon si Seb na may galit ang mata tumingin sa akin. "Balak mo, ba tatakas dito?" walang buhay na saad nito. "Pakawalan mo na ako,dito wala naman ako kasalanan. Please hindi ako hayop para itali mo dito?" pagmamaka'awa ko sa lalaki. Ngunit parang bingi lang ito at naka ngisi tumingin sa akin. "Ano ako tanga, kung alam ko lang na magnanakaw ka di sana hindi na kita binili sa magulang mo!" seryoso nitong tono. "Kahit kailan hindi ako nagnakaw. Dahil pinalaki ako ng magulang ko na hindi gagawa ng masama," mahina kong saad. Lumapit ito sa akin sabay hawak ng leeg ko. Mahigpit ang pagkahawak nito kaya nahihirapan ako huminga. " Bi-bitawan mo, ako hindi ako makahinga," namimilipit na saad ko. " Tandaan mo, babae oras na gumawa ko ulit ng kasalanan mo, ako na ang maglilibing ng buhay sa'yo!" untag nito sa akin. Nakakatakot ang mga mata nito. Lumabas ang lalaki at naiwan ako nakatali sa poste. Kumukolo na ang tyan ko sa sobrang gutom. Dito na ata ako mamatay. Hindi nagtagal pumasok si Manang. Kinalagan nya ako sa pagkatali. "Sofia paumanhin wala ako nagawa. Dahil katulong lang ako dito," mahina nitong saad. Hindi ako nagsalita dahil nanginginig ang katawan ko . Siguro dahil sa gutom kaya ganito. Tinulungan ako ni madam tumayo. "Kaya mo pa ba, Sofia?" tanong nito sa akin. Tumango ako sa Ginang pakiramdam ko nanunuyo lalamunan ko. "Maupo ka muna kukuha ako ng pagkain mo sa labas." Sinundan ko lang ng tingin si Manang palabas. Maya't-maya bumalik ito na may dalang pagkain. Dahil sa gutom ko naubos ko ang pagkain binigay nito sa akin. "Sofia, sa susunod mag-ingat ka." "Manang, nagsasabi po, ako ng totoo," mahina kong saad. "Alam ko naman iyon. Pero nakita mo rin naman diba hindi naniwala si Lord sa'yo. Sige na maiwan muna kita babalik ako mamaya dito," pa'alam nito sa akin. Nahiga ako sa kama at kalaunan nakatulog na ako. Nagising ako sa mga putok ng baril. Sumilip ako sa bintana nakita ko may lalaki nakatali sa poste at pinapahirapan ito ni Seb. Bigla tuloy ako natakot baka ganun din gagawin nya sa' akin sa susunod. Kaya kailangan ko talaga mag-ingat mula sa lalaking iyon. Naisipan ko lumabas ng kwarto medyo ayos na ako at nawala na rin ang panginginig ko. Abutan ko, si Manang abala sa niluluto nito. "Manang, " mahina kong tawag sa Ginang. "Oh Sofia' bakit lumabas ka ng kwarto mo. Kaya mo ba, baka mamaya mahihimatay ka, nyan?" nag-alalang saad ni Manang. "Ayos lang po,ako Manang. Huwag mo ako alalahanin kaya ko pa naman po," saad ko. " Sige maupo ka muna dyan. Magkape ka kung gusto mo," muling anas nito. Habang pinagmasdan ko si Manang may narinig naman ako tawanan. Galing sa sala ang boses na iyon. Kaya hindi ko mapigilan tingnan. Sumilip ako upang tingnan kung sino ito. " Alam mo, ang saya ko ngayon. Dahil nakaganti ako sa babaeng iyon. Buti nga sa' kanya masyado sya pabida," anas ng babae. Hindi ako nagkamali ito ang babaeng nakita ko kahapon. So sya nga ang may pakana tapos ako ang napagbintangan. Lumabas ako sa pinagtaguan ko. " Ikaw pala ang may pakana sa pagkawala ng relo ni Seb!" inis na saad ko. Nagulat ang babae ngunit maya't-maya naging agrisibo ang mukha nito. " Well you deserve, alam mo kulang pa nga iyon babae?" pagtataray nito sa akin. " Bakit mo, ginagawa ito sa akin." " Simple lang dahil inakit mo, ang boyfriend ko?" anya nito sa akin. " Nagpapatawa ka ba, ako inakit ang boyfriend mo?. Hindi ako mahilig sa ampalaya kaya sayo na lang sya," anya ko sa babae. Wala akong pakialam kung marinig man ito ni Seb. " Really?" malanding saad nito. Tina'asan ko lang ito ng kilay sabay alis sa harap nito. Ngunit mabilis nya ako hinila sa braso. "Kinakausap pa kita, babae huwag kang bastos?" gigil nitong sabi. "Ano ba, bitawan mo, nga ako!" galit na sabi ko. Isang sampal ang natamo ko mula sa babae. Kaya nagngingit ang baga ko sa babaeng ito. Dahil wala pang ibang makakasampal sa pisngi ko maliban sa babaeng ito. "Ano lumalabam ka, sa akin . Sige ipakita mo sa akin, babaeng hampaslupa," saad nito. "For your information hindi ako hampas lupa. Baka gusto mo igudgud ko ang mukha mo dyan sa sahig para naman malinis, iyan mukha mo?" galit na saad ko. " Ah ganun?" saad nito. Mabilis naman tinaas ko ang aking kamay sabay hampas sa mukha nito.. Nagulat pa ito sa akin at hindi naka human sa ginawa ko. Akala nya sya lang marunong pwes hindi rin ako magpatalo sa kanya. Hinawakan ko ang ulo nito sabay subsob sa sahig. " Dyan bagay sayo Babae?" anya ko kay Kate. " Ah, tama na?" untag ito sa akin. Ngunig hindi ko ito pinakinggan. Hanggang sa may tumulak sa akin. At napaupo ako sa sahig. " Damn! Sofia!" seryoso boses ni Seb sa akin. Matalim rin ito nakatingin sa akin. Tila ba kakain ako ng buhay. "Honey? Sinaktan nya ako?" sumbong ng bruha sa kan'ya. " Hindi ako ang nauna Seb. " " Sheet hanggang ngayon ba, nagsisinungaling ka pa rin babae. Kita ng dalawang mata ko na ikaw ang nauna!" anya nito sa akin. "Nagsabi ako ng totoo, hindi ako nag nauna sya?" muling turo ko. Ngunit isang sampal ang natanggap ko mula kay Seb. Pakiramdam ko natabingi ang leeg ko sa sobrang lakas nito. Mainit rin ang pisngi ko. Panigurado may bakas sa mukha ko. " Okay, ako na ang may kasalanan hindi ka naman naniniwala kahit nagsasabi ako ng totoo. Magsama kayo ng haliparot mong babae!" galit na sabi ko. At tumalikod na ako sa dalawa. Pagdating sa kwarto ko doon na tumulo ang mga luha ko.Na kanina ko pa pinipigilan. Sa mga oras na ito wala akong kakampi namiss ko tuloy ang Mommy kom dahil sya lang ang kakampi ko. Dahil sa sorbang pag-iyak ko hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Nagising ako sa sobrang lakas ng ulan. Ang lamig sobrang wala pa naman akong kumot. Bumangon ako at nagtungo ako sa banyo upang maghilamos. Nang matapos ako umupo ako sa kama ko. Hindi muna ako lalabas ng kwarto dahil masama pa rin loob ko. Hanggang sa bumukas ang pinto ng kwarto ko. "Hija, kanina ka pa dito. Wala ka bang balak na lumabas ng kwarto mo?" tanong ni Manang sa akin. "Tsaka na lang po, Manang," tungon ko. "Alam ko, masama ang loob mo kanina. Kahit ako galit ako sa babaeng iyon. Dahil nagawa pa nyang magsinungaling." "Manang hayaan mo, na iyon. Tutal naman sa mata ni Seb puro na lang ako mali." "Sofia, nandito lang ako, karamay mo?" mahina nitong sabi. Sana nga Manang karamay kita. Pero hindi ako pwede magtiwala isa man sa inyo. "Oh sya kapag nagugutom ka, lumabas ka lang," muli nitong sabi. Tumango ako kay Manang. Pinagmasdan ko lang ito papalayo sa akin. Maya't-maya bigla ako na gutom. Kaya lumabas muna ako ng kwarto upang maghanap ng pagkain. Nagtungo ako sa kusina ng mga katulong. Wala si Manang siguro abala na naman ito sa labas. Sakto may pagkain kaya kumain na ako. Dahil sa sobrang gutom ko naubos ko ito. Hinugasan ko ang pinagkainan ko. Pagkakaton lumabas ako upang magpahinga. Tumingin ako sa paligid kung saan pwede dumaan kung sakali tatakas ako. May pinto sa likod kaya nilapitan ko ito. Ngunit nang hawakan ko ito may narinig ako nagsasalita mula sa sulok. Kaya nagtago muna ako sa malabong halaman. Nag-ingat ako upang hindi ako makita. Nakikinig lang ako sa usapan ng dalawang lalaki. "Kawawa yung babae dinala ni Lord mukhang hindi nya ito gusto?" saad ng isang lalaki. " Tumahimik ka nga baka may makarinig sa'yo. At paruhan ka pa ni Lord," saway ng isa sa kasama nito. Nang maka'alis ang dalawa muli ako nagtungo sa pinto. Tiningnan ko kung hindi ba ito naka lock. Napangiti ako nang makita ko hindi ito naka lock. Sinubukan ko buksan ang pinto. At ayun nga bumukas ito. Dali-dali ako kumaripas ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Lakanak takbo lang ang ginawa ko upang hindi ako mahuli ni Seb. Hanggang sa nahinto ako sa bangin. Lintik bantin pala ang dulo nito. Saan ako pupunta hindi naman pwede tumalon ako dito. Baka katapusan ko na. Narinig ko ang boses ni Seb na tila galit na galit. Nagtago ako sa malaking bato." "Mga inutil paano kayo natakasan ng babaeng iyon!" sigaw nito sa mga tauhan. Kulang na lang agbabaril nya ang mga ito. " Lord, paumanhin?" saad ng lalaki. " May magagawa ba, paumanhin mo. Kung hindi mo sya ma hanap Ikaw Ang paparusahan ko,!" banta nito sa lalaki. " Maghiwalay-hiwalay tayo," muling saad nito. Hindi ako umalis sa pinagtataguan ko. Hanggang sa narinig ko nawala na ang boses nito. Ngunit nanatili pa rin ako sa pinagtaguan ko. Nang mapagtanto ko wala na ang mga lalaki tsaka lang ako lumabas. Ngunit hindi sinasadya naapakan ko ang maliit na bato sanhi ng aking pagkahulog sa bangin. "Ahhhhhh?" malakas na sigaw ko. Mabuti na lang may nahawakan ako ugat. Kaya doon ako kumapit upang hindi ako mahulog sa bangin. "Tulong may tao ba dyan?" sigaw ko. Maya't-maya napagod na ang kamay ko. "Sheet dito na ata ako mamatay," bulong ng utak ko. "May tao ba dyan tulungan nyo, naman po ako?" muling sigaw ko. Nagulat ako nang biglang sumulpot si Seb sa harap ko. Kita ko sa mga mata nito ang pag-alala . Tama ba itong nakita ko o guni2x ko lang. "Damn? Ang tigas ng ulo mo?" singhal pa nito sa akin. "Kumapit ka sa kamay ko," anas nito sa akin. Kaya pinilit ko i abot ang kamay nito. Nang nahawakan ko na, malakas ako hinila ni Seb pantungo sa kan'ya. Pagdating sa taas hindi ako kumibo bagkus tahimik lang ako. "Let's go," aya nito sa akin. Ngunit nanatili lang ako naka tayo sa harap nito. Dahil may sugat ako sa paa. "Ano pang ginagawa mo, gusto mo, magpaiwan dito?" anya nito sa akin. "May sugat ang paa ko," mahina kong sabi. Walang sabi-sabi binuhat ako ni Seb. Pumikit ako dahil sobrang sakit ng sugat ko. Hindi ko namalayan nasa bahay na pala ako ng lalaki. "Magbihis ka muna Sofia,para ma gamot ang sugat mo?" walang buhay na boses nito. Nahiya ako sa lalaki dahil kahit tumakas na ako sa kanya nagawa pa nga akong tulungan. Ano na ang mukhang ihaharap ko sa kan'ya. Lumabas ito sa kwarto ko at pumasok naman si Manang. " Ano ba nangyari sayo bata ka. Bakit naisipan mo, tumakas paano kung may mangyari masama sa'yo,"nag-alalang tanong ni Manang. " Sorry po, Manang," tanging sabi ko sa Ginang. " Oh sya maligo ka na at heto yung damit mo. Baka magkasakit ka nyan ang lakas pa naman ng ulan kanina," untag nito sa akin. Tumango ako sa Ginang pagkapos pa ika-ika ako pumasok sa loob ng banyo upang maligo. Tiniis ko ang sakit ako naman ang dahilan kung bakit may sugat ang paa ko. Pagkapos ko maligo lumabas na ako ng banyo. Namataan ko naka upo si Seb sa kama ko. "Bakit nandito ka?" tanong ko sa lalaki. Ngunit embes na sagutin nya ako masamang tingin lang ang binigay nito. Kaya tumiklop lang ako sa lalaki. "Sa susunod hindi lang iyan aabutan mo babae," saad nito sa akin. Gusto ko sana mag sorry sa lalaki at nagpasalamat ngunit nahiya ako. Hinayaan ko na lang ito gamutin ang sugat ko hanggang sa natapos ito. Totoo naman kasalanan ko ,at muntik na rin sya na damay sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD