Kabanata 30

1626 Words

Agaw-Tanaw (Unang Bahagi) Mahigit kinse minutos nang nasa pinakaibabang baitang ng spiral na hagdanan ng pangawan si Lea nang may narinig siyang kumalabog sa pinakaitaas na baitang ng hagdanan. Walang-kamuwang-muwang ang asawa ni Arvin na, sa itinakdang oras, may mekanismo na awtomatikong nagsasara sa lihim na pinto na nasa isang gilid ng altar. Kung may takot at kaba sa dibdib ng babaeng sumuong sa madilim na pangawan ng kutang simbahan, dinaig na ito ng kaniyang pagnanais na matagpuan ang isang lalaking hindi lamang nagpatibok ng kaniyang puso, kundi ang isang lalaking hindi sinusukuan ang anumang hamon ng kanilang pag-iibigan. Kaya sa loob-loob ni Lea, ako pa ba ngayon ang susuko sa pagsubok na kinakaharap ko ngayon? Bahagyang nakaramdam ng pangangaligkig ang babae nang sinimulan na n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD