Sa Ngalan ng Ama at ng Anak Sino nga ba si Mayor Budz Sugay para kay Luke? At sino rin si Luke para kay Mayor Budz Sugay? Kung paano nagkurus ang landas ng dalawang nilalang na ito ay marapat lamang na pukulan natin ng kaukulang pansin para na rin sa ikalulugod ng karaniwang mambabasa. Simulan muna natin kung sino si Mayor Budz Sugay. Salvador Esmerillo Sugay ang kaniyang tunay na pangalan. Anak ng isang dating gobernador ng Calamianan, pinag-aral sa isang ekslusibong paaralan sa Maynila, at sa maagang gulang ay natutuhang humawak ng baril at itutok ito sa kaniyang mga kaklase sa kolehiyo. Kung hindi lamang pinakiusapan ng mismong ama niyang dating gobernador ang mga pari ng natural eklusibong paaralan ay marahil hindi na nakapagtapos ng Law ang alibughang si Attorney Budz Sugay. Umuw

