Kabanata 34

1511 Words

Agaw-Liwayway (Unang Bahagi) Habang agaw-liwayway pa, kinaladkad ni Arvin ang walang-malay na si Padre Aquino sa sahig ng lantsa, at nang makakita ng trapal ay kinumutan ito mula paa hanggang ulo. Buhay pa ang pari, subalit malayo na ang narating sa kaniyang panaginip. O marahil ay mas tahasang sabihin na hindi lamang panaginip, kundi sa limbo ng isang mala-abismong guni-guni. Ilang bagay ang labas-masok sa guni-guni ng walang-malay na pari. Ang walang-hanggang kapangyarihan. Ang walang-hanggang buhay. Kapuwa magkaibang salita na halos magkapareho ang kahulugan. Sa tunay na buhay, minsan nang nagkasagutan sa isang debate sina Padre Aquino at Mayor Sugay tungkol sa ganitong kabatiran ng matandang pari, habang sila'y nagpapalipas ng oras sa bastiyon ng kutang simbahan at tinatagayan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD