Kabanata 47

1519 Words

Bukangliwayway (Pangalawang bahagi) Humigit-kumulang isang oras nang nananaginip si Mam Precious simula nang iwanan siya sandali ng nag-anyong osong gubat na si Diego sa ilalim ng isang puno ng balete sa kakahuyang malapit sa "bitukang manok" ng Tagamingwit. Tinanuran na kasi siya ng isang bantay-saradong antok na hindi na niya kinayang takasan pa. Sa panagimpan ng dalagang guro ng Tagamingwit Elementary School, nakihalubilo sa isa't isa ang mga tunay at ang mag hindi tunay na tauhan sa kuwento ng kaniyang buhay. Pangunahing tauhan na dito ang kaniyang dating estudyante na naging masugid niyang manliligaw: si Piolo. Labingwalong taong gulang si Precious nang nagsimula siyang magturo sa Tagamingwit. Pagkatapos niyang makapagtapos ng kursong B.S. Chemistry sa Pamantasan ng Kulyaw (mas k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD