ANG KALAHATING oras na biyahe mula ospital hanggang sa mansion nila ay nagawa niya lang byahiin ng bente minutos. Halos paliparin na niya ang kotse niya. Wala siyang pakialam kung halos kumain na ng alikabok ang mga nadaraanan niya. Nagpupuyos siya sa galit. Gusto niyang manakit. Muntik nang mapahamak ang anak niya. Binunggo niya ang gate nila di na siya nag-antay na mapagbuksan pa siya ng guwardya na nakatalaga. Nang makarating sa front door humahangos na pumasok siya sa pintuan. "Ang Mommy?!" pasigaw na tanong niya sa katulong na sumalubong sa kanya. Bumakas ang takot at pagkataranta sa mukha ng katulong. Hinaklit niya ang braso nito ng hindi ito magsalita. "Bingi ka ba?" asik niya dito. "Darlin?" Napalingon siya sa nagsalita. Nakatayo sa b****a ng dining room si Suzette. Nakang

