┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Habang lumilipas ang mga araw, papalapit na nang papalapit ang araw ng kasal nina Aurora Molino at Darwin Hendrickson. Sa mata ng buong mundo, isa itong fairytale wedding... isang union ng pag-ibig at kapangyarihan, ng yaman at katanyagan. Pero sa puso ni Aurora, isa itong palabas. Isang mapait na paghihiganting matagal na niyang pinlano mula pa nuong araw na iniwanan siya ni Darwin sa burol. Ngayon ay magkasama sila ni Darwin sa isang food tasting session na inorganisa ng isa sa pinakamahal at pinakasikat na catering company sa bansa. Eleganteng naka-set up ang venue, may soft music playing in the background, at bawat detalye ay tila ba pinaghandaan ng husto upang ma-impress ang dalawang ikakasal. "Wait lang po, ma'am, sir. Ready na 'yung mga pagkain for tasting, ihahand

