❀⊱Aurora's POV⊰❀ "So, ano ang plano? Isang linggo na rin mula ng malaman ni Darwin na ang dating Aurora na niloko niya ay sumakabilang-buhay na." Wika ni Grace. Nakangiti ako. Syempre itutuloy ko na ang plano ko na paibigin si Darwin, at kapag hulog na hulog na siya sa akin ay saka ko siya iiwanan. "Tuloy ang plano. Basta 'yung sinabi ko sa inyo ha, dapat ganuon ang mangyayari." Sagot ko. Wala ng dahilan upang magdalawang isip ako. Ngayong hindi na niya ako pagdududahan ay pwede ko ng gawin ang gusto ko. "Pero sabi ni Caleb, baka matagalan pa bago ulit siya lumapit sa'yo, kung lalapit man siya sa'yo." Pakli ni Jo Ann. Mahina akong natawa. Maybe tama sila na hindi muna magpapakita sa akin si Darwin, pero knowing him na ang tingin niya sa akin ay ang dating Aurora, I'm sure na babalik

