Chapter 12 Tinapik ni Kill ang kanyang balikat matapos nitong bendahan ang kanyang sugat. Kasalukuyang nasa master's bedroom siya kasama sina Killer at Ali habang si Sky naman ay hindi niya alam kung nasaan. Oo nga pala, nasaan si Nicolás? Bakit hindi ito kasama ni Ali? "Where is Nicolás?" Tanong niya kay Ali. "Ipinasama ko kay Gunner pauwi ng New York. Masyadong delikado ang sitwasyon ngayon rito. Ayaw ko siyang madamay." Naupo ito sa gilid ng kama at pinagkrus ang mga binti. "Akala ko ba ulila ka na? E sino yung matandang lalake sa baba? Tinawag niyang daughter-in-law si Ysa." May pagdududang tanong nito. Nagkatinginan sila ni Kill at natahimik. Ali and Sky doesn't know anything about his family. Ang tanging alam ng mga ito ay isa siyang doctor sa pangalang Sven Malis at isang agent

