chapter 15

1184 Words
Nasa ganoon siyang pag iisip ng bigla namang bumukas ang pinto, kaya't nahinto ang kanyang pag- babalik tanaw. "Don't you know how to knock?" "Kumatok ako hindi mo ba narinig?" Sinadya na kita rito. "Hindi ba ngayon kayo magkikita ni Mr.Ledesma? bakit ka naririto?" "Maagang natapos ang meeting namin kanina" Anito at sabay upo ito sa upuan sa sulok na itinaas pa ang paa sa lamesa. "Your manners pls,!,saway ng dalaga. "Maghanda ka mamaya magkakaron ng paparty sa anniversary ng mag-asawang Santos. Wear your stlye!"Napatingin ito sa kanya"So you like my stlye Rebeca? ibig sabihin isa ka sa mga babaeng tumitingin sakin nung gabing yon?." "Anong pinagsasasabi mo?? "You're there!You saw me!" Nakakalokong usig nito sa kanya na tila may roon siyang itinatago rito. "Let say your'e right,so whats the big deal?Kahit na sino'y may kanya kanyang estilo"Mataray na sagot ni Rebeca. "Wala naman,yung gabi kasing yon ang hindi ko malilimutan."Sabi nitong makahulugan ngumisi.Bakit bigla yata siyang namutla?.. (hindi kaya?!) imposible ...no!, hindi naman siya siguro yon?God "It cant be him! NOT HIM!! NOT HIM!!! NOO0T.... "Your'e saying something Rebeca? "Oh not-tthing".. Nakatingin ito sa kanya ng makahulugan. "So I will meet you there.Ayaw kong masira ang mga plano natin."Sabi niya sa lalaki ng makabawi na sa tila malaking bara sa lalamunan. Napili ng dalaga ang kanyang isusuot ng pagpasok sa malaking garden ng mag asawang Santos ay may naramdaman siyang kumapit sa kanyang baywang na saglit na nakawala ng kanyang composure.Naiiinis na tiningala niya kung sino ang may kagagawan niyon at hindi nga siya nagkamali. "Baka sakaling nakalimutan mo ang konsorte mo honey,hummmnn.." "Sabi ng 'wag!"Pagpoprotesta sana niya rito ng biglang. "Hello there lady Tough! "Bigla natigil ang dalaga ng namataan ang may bahay ni Mr.Santos na siyang bumati sa kanya. "Hello Mrs.Santos" Sabay ngiti sa ginang. "Where's the lucky man?" Tanong niya ulit rito ng mapansing hindi nito kasama ang asawa. "Kuuu!kanina pa yata doon sa banyo iha at kanina pa yata nag aalburoto ang tiyan dahil kanina pa umiinom.Oh by the way ,come and pls enjoy yourselves!Napansin niyang nakati- ngin ito sa kanyang konsorte. "Your boyfriend perhaps? lucky you, young man. Excuse for the both of you." Sasagutin sana yon ni Rebeca kaso'y bigla itong umalis at hinarap ang mga bagong dating na bisita.Alam nyang hindi sa kanya nakatingin ang mga tao sa paligid, kundi sa kasama niyang ubod ng gwa-po.Heto na nga ba ang sinasabi niya e,baka bukod sa mapagkamalan syang umarkila lang ng konsorte e baka sabihin pa na masyado na siyang desperada dahil mukhang bumili pa siya ng lalaki. Ipinakilala niya na si Devon sa mga alta sosyedad na naroroon at kung anu ano pa ang mga sinabi niya tungkol dito na magpapaangat lalo sa lalaki. Uupo muna sana sila dahil nakakapagod na ang ginawa nil-ang yon.Mula sa kabilang dulo ay may dumating na magkapareha na kilalang kilala niya.Ang kanyang kiring step sister at ang magkapareha na kilalang kilala niya.Ang kasama nito na walang dilit iba kundi ang lalaking laman ng kanyang isip. Si Leonard. Nakasuot ito ng black suit at iiqaw sana siya ng tingin ngunit nakita na siya nito kaya hindi na siya nakapagtago rito at agad itong lumapit sa mesa nila. "Did you get the flowers?"Tumango siya,hindi malaman ang sasabihin.Nakatingin lang sa kanilang dalawa si Devon.Parang galit ito na di mo mawari. Para silang kapwa natigilan at hindi malaman ang susunod pang sasabihin.Bukod sa nagpapaunawang tingin ng lalaki sa kanya upang sumama't makipag usap siya rito ay nahahaluan rin ito ng ibayong lungkot na siyang nakasungaw ngayon sa mga mata nito.Parang tumigil ang oras sa pagitan nilang dalawa at parang sila lang ang tao roon.Kapwa pipi na naka-tingin lang sa isat isa.Siya naman ay walang ekspres-yon ang mga mata. "So your'e here!"Si Carla na ang tinutukoy ay si Devon. Nakatuon ang mga mata nito na nagnining-ning sa kalandian.Lumapit ito sa katabi niya sabay hatak dito palayo. "Can we talk somewhere here? " Parang wala sa kanyang sarili ang dalaga ng hinatak siya ni Leonard palayo sa karamihan. Naka-kita sila ng upuan sa bandang dulo at naupo doon. Nakakatawang ang dalaga pa ang bumasag ng katahimikan sa pagitan nila. "Kamusta ka na?nakakatawang sa paglipas ng maraming taon ay sakin pa mangagaling ang tanong na iyan."Mapait ang mga salitang galing sa kanya. Hindi nya malaman kung maiiyak siya o matatawa.At nagsalita rin ito. "Malaki ang pasasalamat ko at binigyan mo ako ng pagkakataong magpaliwanag." Dumaan saglit ang katahimikan sa gitna nila. "Gusto kong humingi ng kapatawaran sa mga panahong sinaktan kita. hindi ko sinasadya!." "You are forgiven."Pagak na tawa ang nanggaling sa kanya pagkatapos sabihin iyon sa lala-ki.Dali dali rin siyang tumayo dahil pinipigil niya ang luhang gusto ng kumawala kanina pa.Pinigil siya nito sa braso "Pls stay.just,.just for a while... pls!Pagmamakaawa nito sa kanya sa mababang tinig. "Para ano pa? para marinig ko ang mga kasinungalingan mo?para pagtawanan ako?" Gusto kong marinig mo ang paliwanag ko."May diin ang salitang sabi nito.Wari ba'y walang planong mag aksaya ng panahon.Pinagbigyan niya ito dahil parang sinasabi ng kanyang puso na makinig. Tinata-lo ang kanyang isip at katawan.Nanahimik ito sandali bago nagsalita.Huminga ng malalim at nagsimula. "Noong humadlang sa atin si Mama at Papa at pilit akong pinakasal sa babaeng napipisil nila para sakin ay nagalit ako.God knows pinaglaban kita hanggang sa huli Beca!subalit nang lalabas na ako ng pintuan ay biglang inatake si Mama.I have no choice... Pero pagkalipas ng tatlong taon ay naghiwalay din kami ni kathlyn." "Hindi ba parang late kana masyado?From all this years nasan ka?nasan ka nung namatay ang Papa?nasaan ka nung kailangang kailangan kita?"Hindi na niya napigil ang kanyang luha sa pagpatak at pagsi-kip unti unti ng dibdib.Tinignan siya nito na punong puno ng awa para sa kanya at kasunod ng pagapikit nito at pag iling iling. "N-Naconmatose ako sa mahabang panahon."Nagulat si Rebeca sa narinig at nagpatuloy ito sa pagkukwento habang tila unti-unti'y nababawasan ang hapdi niya sa dib-dib sa mga inilalahad nito. "Sising sisi sina Mama ng nalaman nila kung bakit ako nadisgrasya,yun ay dahil noong araw a sinundan ko ang asawa ko at makitang may kasamang iba sa loob ng kotse na alam kong kahit saan tignan ay tila may mali ay hindi ko nakita ang papalapit na sasak-yang bumangga sa minamaneho kong kotse na siya-ng naging dahilan kung bakit ako nawala.'Yon ang dahilan Beca,pls believe me! That's why I'm a little bit late,but not that late para ipaglaban muli ang pag ibig ko sayo." "Hindi ko alam Leonard!hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.Sa ngayon ay pabayaan mo muna 'ko,'yon lang ang pakiusap ko sayo."Maharan siyang lumakad papalayo at iniwan itong nakatungo. Sa paglalakad niya ay bigla siyang hinaklit ng kung sino na ikinagulat niya.Nakita niyang pulang pula ang mukha ni Devon na animoy galing sa sikat ng araw. At ganun din ang mga mata nitong akala moy lala-munin siya ng buo. "Kaninang kanina kapa nawawala ah? pinagmukha mo nakong tanga sa pakikipagharutan mo dun sa lalaking yon!" Nagtaka man ay hindi siya kumibo dahil parang wala siya sa sarili ng mga sandaling iyon. "s**t!" Pagkaraa'y narinig niyang isinunod nito. Wala siyang pakielam at tila bingi sa buong paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD