"Maupo ka."
Sabay turo ni Rebeca sa couch na nasa gilid.
"First magka liwanagan muna nga tayo. Una,
ayokong binabastos ako."
Nangunot ang noo nito sa sinabi niya.
"Stop treating me like one of your
bitches!We're doing business here.Stop
playing games.Huwag mong dalhin dito ang
kabastusan mo.
Kung sanay ang iba sa ugaling mayroon ka,
pwes spare me.I don't mixed business with
pleassure and I don't play your games."
"Ok"
Seryosong sagot nito.
"And pls stop calling me Rebeca,call me Miss
Rallios."
"And I want it 'Rebeca'.Take it or leave it.
What's the big deal calling your name in the
first place?"
"Mayroon kang Rules,mayron din ako at kung
sa palagay mo ay ikaw lang ang masusunod?
Well the deal is off!"
Matapang na sagot ng lalaki sa kanya na ikinag
gulat ni Rebeca.
"You don't know what your'e talking about
young man.
Malaki ang magiging pakinabang mo
dito.Hindi ito barya barya lang.
Bibilang ka ng ilang taon bago ka magkaron
ng malaking sáhod na tulad nito!
Tinitigan siya nito
"Rebeca, Rebeca, Rebeca.Kahit ibigay mo
sakin lahat ng kayamanan mo ay hindi ko
tatanggapin kung pasusunurin mo lang ako
na parang aso.Kung hindi mo matatanggap
ang mga kondisyones ko, ngayon palang
sinasabi ko sa'yong maghanap ka na ng
ipapalit sakin.
Sabay tayo sa kinauupuan ng lalaki.
Aalis na sana ang lalaki, Nang kusang nagsalita
ang kanyang bibig na para bang may sariling i
sip.
"Ok, your conditions?"
Napangisi ito.
"First, don't u ever call me young man, young
man.It gives me shivers when it comes from
you.2nd, don't act like I'm going to rape
you.Huwag mo kong ituring na parang may
nakakahawang sakit, dahil hindi ako ung tipo
ng namimilit3rd,stop degrading me.
That's it."
"Noted."She replied.
"I would like to add.In the meantime.No
Women pls!,"Tumango ito.
"Ipadadala ko sa iyo ang kopya ng kontratang
may pirma ko bukas na bukas din."sabi parin
ni Rebeca.Nang nakaalis na ang lalaki'y,
saka niya pinatakas ang kanyang hininga.
Kapag talaga kasama niya ito ay parang laging
hindi siya makahinga. "That man
whore!."Mukhang mahihirapan siya sa isang
ito.Ano kaya kung hindi na niya ituloy ang
binabalak?0 sa iba nalang niya iaalok?Mukha-
ng hindi mapagkakatiwalaan ang lalaki.Duda
siya kung talaga bang kaya nito?Nagsisisi siya
kung bakit hindi muna siya nagpa imbestiga.
Tama bang nagtiwala siya rito kahit hindi niya
ito masyadong kilala?Ngayon lamang siya
nasira sa diskarte.Dati rati'y kinikilatis niya
munang mabuti ang isang tao bago niya
pagkatiwalaan.Hindi niya alam kung nasaan
naroon ng mga panahon na iyon.Ang kanyang
isip.Masyado kasi siyang naging abala sa ilang
mga bagay at ito ang isa sa kanyang mga
nakaligtaan.Ngunit bukod rito sino ang magpa
pahinuhod sa kanyang walang utang na loob
na kapatid?Kaya nga ba itong lalaki na ito ang
kanyang napili dahil malakas ang kutob niyang
malaki ang potensiyal nito.Knowing her sister?
Hindi ito katulad ng iba na madaling ibagsak.
Marami rin itong kakilala na maiümpluwen-
siyang tao.
Pag gising ni Rebeca kinaumagahan ay nag
almusal kaagad siya.Binuksan niya ang kanya
ng cellpone at
tiningnan ang ilang missed calls. Nakita niya
rin ang ilang mensahe at nagulat siya sa men-
sa he ng nabasa niya."Good morning honey.
Have you eaten?I miss you!Did you miss me
too?"Maagang nasira ang araw niya,dahil wala-
ng dilit iba ang nagpadala nito ay ang lalaking
makulit pa sa bata.Paanong nalaman nito ang
numero ng cellphone niya?Nauubos ang pasen
siyang idinelete niya ang mga messages nito
na tila nasa 20 beses yatang iminessage nito
iyon ng paulit ulit.
...
Nalula si Devon sa mga assets ng ama.Hindi
niya alam na ganito ito kayaman.Tulad ng
sinabi ng kanyang ina na talagang hindi lang
ito talagang mayaman kung hindi ubod ng
yaman.Para siyang nakakita ng white house sa
gitna ng golf course dahil sa laki ng bahay at
lawak ng lupain na kinatitirikan nito.Mga katu-
long na naghihintay sa labas ng tahanan ang
sumalubong sa kanila.Para siyang prinsipe na
niyuyukuran ng mga alipin sa isang palasyo.
Pilapila ang mga ito at naghihintay ng kanyang
pagpasok.Pagpasok niya sa loob ay higit siya
ng namangha dahil sa laki nito .Inilibot niya
ang kanyang paningin at halos maliyo siya sa
taas ng hagdan papunta sa ikalawang palapag
ng bahay.Yari sa makapal at makintab na kulay
black na granite ang sahig.Mula sa ibaba
papunta sa hagdan ang carpet na gawa sa
balahibo ng hayop ang nagsisilbing tapakan sa
pinakagitna.Lahat ng mga mamahaling kagami
tan ay naka kalat sa ibat ibang bahagi ng
buong kabahayan.Sa bawat sulok ay karangya-
an.Giniya siya ng kanyang ama sa mga nakasa-
bit na mga gahiganteng painting na gawa ng
mga sikat na pintor mula paraw sa ibat ibang
panig ng daigdig.
"Hindi pa ba tayo kakain mahal?"
Boses ng kanyang ina na pinuna silang dalawa
dahil sa kaabalahan nilang mag ama."Ah,oo.ha
ha! Sa sobrang katuwaan ko sa aking anak ay
nakalimutan ko ang pinaka importante sa
lahat.Ang kumain."Nakangiti ang kanyang ama.
Sa hapag kainan ay nakahain ang masasarap at
ibat-ibang putahe na ang iba ay hindi niya
niya halos makilala. Kahit pa marami na siyang
nakasama na pawang mayayaman din ay iba
ito sa kanyang paningin.
"Masasarap lahat iyan anak at tiyak kong
magugustuhan mo.Sige kain na."Nang mapuna
nitong tinititigan niya muna ang pagkain.
Nag umpisa na siyang kumain at tulad ng
sinabi ng kanyang ama ay pawang walang
itulak kabigin ang mga ipinahanda nito.Sina-
mahan siya ng lalaki sa kanyang silid sa ita-
as.At pagkatapos ay saglit na muna itong
nagpaalam.Pagpasok niya ay dahan dahan
siyang umupo sa isang malaking kama na nasa
gitna ng ilid na malawak rin.Lumakad siya
malapit sa malaki at mahabang kurtina at mula
roon ay hindi parin natigil ang kanyang pagka-
mangha sa nakita.Mula ngayon ay wala ng
makapipigil sa kanyang mga nais.Hindi niya na
kailangang ipangalakal ang katawan para
lamang mabuhay ng marangya.Magagawa na
niya ang lahat ng taas noo at walang pinangi-
ngilagan Parang isang pelikulang nagbalik sa
kanyang ala-ala ang nakaraan.Ang unang
taong minsan ay minahal niya,pagkatapos ay
iniwan.Nang mga panahong pinagtatawanan
siya ng mga babae noon sa eskwelahan dahil
sa pangangahas niyang manligaw dahil narin
sa ang tanging baon niya sa araw araw kundi
itlog ay sardinas lang.Pudpod na ang kanyang
sapatos dahil sa wala siyang maipambili ng
bago.Madalas din siyang ibully ng mga kaklase
dahil bukod sa kapayatan ay lampa pa siya.
Kaya noong marunong na siyang dumiskarte
ay nagpalaki siya ng katawan sa gym.Kahit
malakas na ang kanyang dating noon pa man
ay tila natatakpan ito ng kahirapang nakadikit
sa kanyang pagkatao.Kahit alamn niyang
marami ang nagkakagusto sa kanya noon ay
nauudlot ang mga ito kapag nalamang wala
siyang sinabi.Pero kahit ganoon ay hindi niya
kahit kailan sinisi ang kanyang ina.Mahal na
mahal niya ito kaya nga buhat ng matuto siya
kung paano lumaban sa buhay ay nagkaroon
siya ng poot sa mga babaeng may mga
salapi dahil para sa kanya ay dapat lamang
itong paglaruan sa kanyang mga palad.
Pareparehas lamang ang mga ito.
Ngayon!. Ngayon lalo sila magsipagmalaki sa
kanya,tingnan niya ang galing ng mga ito.Sa
kapangyarihan at kayamanang kanyang
tatamasain.Sa ngayon ay magsisikap siyang
lalo sa buhay upang sa pamamagitan ng
kanyang mayamang ama at sa impluwensiya
nito ay makikilala siya. Hindi lang sa pagiging
anak ng mayaman kung hindi sa pamamagitan
ng kanyang diskarte at pagsisikap.Wala ng
babaeng makatatanggi lalo sa kanya ngayon,
lalo na sa kinalalagyan niya.Lahat ay luluhod
at magmamaka-awa mapansin niya lamang.
At humalakhak siya na ang sarili lamang ang
nakakarinig.